HOTSHOTS DUMIKIT SA SEMIS

Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – TNT vs Converge
6 p.m. – San Miguel vs Blackwater

LUMAPIT ang Magnolia Hotshots sa semifinals ng 2022 PBA Philippine Cup makaraang pataubin ang NLEX Road Warriors, 98-89, Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum.

Nagbuhos si Mark Barroca ng game-high 24 points para sa third-ranked Hotshots na ginamit ang momentum na nakuha sa second period upang maitarak ang ika-8 sunod na panalo at makauna sa race-to-two duel kontra sixth-seeded Road Warriors.

Makakausad ang Magnolia sa race-to-four semifinals kung muling mananalo sa Biyernes, ngunit ayaw magkumpiyansa ni coach Chito Victolero.

“Basta stay in the present kami. Kung ano ibinibigay sa amin ngayon iyon ‘yung tratrabahuhin namin,” sabi ni Victolero.

“We just tried to be focused for 48 minutes and we want to give our best effort, our 100 percent effort in every possession,” dagdag ni Victolero. “We’ll try to be in the finals again but it’s a long journey, malayo pa iyon.”

Ang panalo ay naging extra special din sa gabi ni Barroca. Nangangailangan lamang ng 20 points upang maging 94th member ng 5,000-point club ng liga, ang dating Far Eastern U ay lumapit sa milestone nang magtala ng career-best 18 first half points bago ito sinelyuhan sa isang short stab sa kaagahan ng third.

Gayunman ay hindi ito mag-isang ginawa ni Barroca. Nagbigay rin ng malaking kontribusyon sina Calvin Abueva, Paul Lee, Ian Sangalang, Jackson Corpuz at Jio Jalalon.

Nanguna para sa NLEX sina Anthony Semerad na may 19 points at Calvin Oftana, Don Trollano, Matt Nieto at Justin Chua na may tig-11 points.

CLYDE MARIANO

Iskor:
Magnolia (98) – Barroca 24, Lee 13, Abueva 13, Sangalang 12, Jalalon 10, Corpuz 10, Dela Rosa 6, Wong 5, Dionisio 3, Reavis 2, Escoto 0.
NLEX (89) – Semerad 19, Oftana 15, Trollano 15, Nieto 12, Chua 11, Quinahan 8, Paniamogan 3, Soyud 2, Varilla 2, Ighalo 2.
QS: 24-26, 64-47, 81-70, 98-89