Isinalba ni Jones Inso ang kampanya ng Pilipinas sa 19th Asian Games nang magwagi ng bronze sa men’s taijiquan and taijijian all-round kahapon. PSC PHOTO
NAKOPO ni wushu artist Jones Inso ang ikalawang bronze medal ng Pilipinas makaraang tumapos sa ikatlong puwesto sa men’s taijiquan and taijijian all-round sa 19th Asian Games kahapon sa Hangzhou, China.
Nakakolekta si Inso ng 9.746 sa taijiquan at 9.740 sa taijijian para sa overall finish na 19.486 sa likod ni gold medalist Haonan Gao ng host China, na may kabuuang 19.666 points mula sa 9.830 at 9.836 sa dalawang disciplines.
Inangkin ni Tak Yan Samuei Hui ng Hong Kong ang silver na may combined score na 19.493.
Ito ang ikalawang medalya ng Pilipinas sa Asiad makaraang kunin din ni taekwondo ace Patrick King Perez ang bronze sa men’s individual poomsae noong Linggo ng gabi.
Hanggang press time, nangunguna ang China sa medal race na may 32 golds, 13 silvers, at 5 bronzes, sumusunod ang South Korea at Uzbekistan.