NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang 18 kilos ng lamb meat, at 42.2 kilos beef na illegal ipinasok sa bansa nitong nakaraang araw.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng pahayagang ito, ang mga naturang karne ay galing sa United States at Saudi Arabia, at nabisto na walang dalang import permit at health clearance ang may ari nito.
Ayon kay BOC-NAIA district collector Mimel Talusan, ang pagkakakumpiska ng mga naturang karne ay resulta sa pakikipagtulungan ng kanyang mga tauhan sa mga kawani ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa airport.
Batay sa record ng BOC sa NAIA, nasa 40,000 kilos ng imported at meat products ang nakumpiska ng ahensiyang ito dahil walang maipakitang Sanitary and Phytosanitary (SPS) clearance mula sa pamahalaan.
Agad na nailipat ang mga nahuling karne sa mga tauhan ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa NAIA para sa proper disposal. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.