INAASAHAN ang pagbagal ng inflation rate sa 5.8 hanggang 6.6 percent ngayong Nobyembre, ayon sa think tank ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sinabi ng Department of Economic Research ng BSP na ang pagbaba ng presyo ng langis, pagnormalisa ng supply ng bigas at ang paglakas ng piso laban sa dolyar ang dahilan ng pagbagal ng inflation rate.
“Higher jeep and bus fares and an increase in power rates will partly offset slower inflation in other commodities,” anang BSP.
“Moving forward, the BSP will remain watchful of economic and financial developments to ensure the achievement of its primary mandate of price stability conducive to balanced and sustainable economic growth,” dagdag pa ng think tank.
Ang November inflation data ay nakatakdang ipalabas sa Disyembre 5.
Nauna nang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na bababa ang inflation sa mga susunod na buwan makaraang maitala ang 6.7 percent noong Setyembre at Oktubre.
Itinaas ng central bank ang benchmark borrowing rate nito ng cumulative 1.75 percentage points ngayong taon sa harap ng tumataas na presyo ng langis. Sa huling policy meeting nito kamakailan, binabaan nito ang inflation forecast para sa 2019.
Comments are closed.