BABALIK na sa dalawa hanggang apat na porsiyento ang inflation rate pagpasok ng 2019, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno.
Ginawa ni Diokno ang pahayag sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ayon kay Diokno, sa 2019 ay makikita na ang epekto sa inflation ng mga hakbang na ginawa ng pamaha-laan para mapigilan ang pagmahal ng mga bilihin.
Aniya, isa rito ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Administrative Order No. 13 na nag-aalis sa non-tariff barriers o mas pinabilis at pinadali na ang pag-angkat ng mga produkto.
Sinabi pa ni Diokno na ang pangmahabaang solusyon naman sa mataas na inflation ay ang rice tariffica-tion na ipapasa na ng Kongreso sa lalong madaling panahon.
Nauna rito ay inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na inaasahan nila na papalo pa sa 6.8 percent ang inflation sa susunod na mga buwan. DWIZ 882
Comments are closed.