KUMPIYANSA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na babagal pa ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo para sa buwan ng Marso.
Sa pagtaya ng Department of Economic Research ng central bank, posibleng maitala lamang sa 3.1 hanggang 3.9 percent ang March inflation.
Kapag nagpatuloy ang pagbagal ng inflation sa Marso, ito na ang ikalimang sunod na buwan ng downtrend.
Matatandaang nasa 3.8 percent ang naitalang inflation noong Pebrero na itinuturing na pinakamabagal magmula noong March 2018 kung kailan naitala ang 4.3 na inflation rate.
“Higher domestic oil prices and upward adjustment in electricity rates, provide upside price pressures to inflation for the month,” ayon sa BSP.
“These may be partly offset by lower prices of rice and other agricultural commodities due to the arrival of imports,” paliwanag pa ng central bank.
“Going forward, the BSP will continue to closely monitor evolving inflation dynamics and ensure that the monetary policy stance remains appropriate to support BSP’s price stability objectives,” dagdag pa nito.
Ang domestic inflation rate ay bumalik sa within-target level noong Pebrero, subalit ang average sa kasalukuyan ay 4.1 percent, mas mataas pa rin sa 2-4 percent target band hanggang 2022.
Ang 2019 average inflation forecast ay nananatili sa 3 percent.
Comments are closed.