INFLATION BABAGAL SA 2% SA Q3

Secretary Benjamin Diokno2

UMAASA ang mga economic ­manager ni ­Pangulong Rodrigo ­Duterte na babagal sa 2 percent ang inflation sa third quarter ng 2019,  ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Ibinase ng economic team na kinabibilangan ng mga kalihim ng Department of Finance, Department of Budget and Management at  Socioeconomic Planning ang kanilang pagtaya sa 4.4-percent inflation rate na naitala noong Enero, na nasa upper end ng target ng gobyerno na mula 2 hanggang 4 per-cent.

“In fact, we are seeing scenarios that inflation will be at 2 percent in the third quarter,” wika ni Diokno.

“It’s 5.5 last December and then 4.4 in January—that’s a significant drop already. We’re coming from a high inflation last year,” dagdag pa niya.

Gayunman, sinabi ng think tank IBON Foundation na malabong maitala ang inflation sa target ng pamahalaan na 2 hanggang  4 percent dahil sa inaasahang pagsipa ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at sa ikalawang bugso ng dag­dag na excise taxes sa ilalim ng tax reform law.

Ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ay nagpataw ng P2.50 per liter excise tax sa diesel, mula sa zero, at itinaas ang buwis sa gasolina sa P7 per liter noong Enero  1, 2018.

Sa ilalim ng batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 2017, ang excise taxes sa langis ay ta-taas pa ng P2.00 per liter sim-ula Enero 1, 2019.

Nangangahulugan ito na ang excise tax sa diesel ay tataas sa P4.50 per liter at ang gasoline ay sa P9.00 per liter.