INFLATION BABAGAL SA 2% SA Q3

INFLATION-3

MAAARING bumagal pa ang inflation sa 2%  sa  third quarter ng taon dahil sa mas mataas na base effects, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.

“If you look at the base effects, the third quarter, it will really be around 2, even lower than 2,” wika ni Diokno.

Naitala ang inflation sa 6.2%  sa third quarter ng 2018, mula sa 2.7% sa naunang taon.

Ang pinakahu­ling pagtaya ng BSP ay nag­lagay sa inflation sa 2.7% ngayong taon.

Ang official figures ay nakatakdang ipalabas sa Biyernes.

Para sa buwan ng Hunyo, umaasa ang central bank na maitatala ang inflation sa 2.2 hanggang 3.0%.

Naniniwala rin ang iba pang ekonomista na magpapatuloy sa pagbagal ang inflation sa Hunyo, batay sa survey na isinagawa ng Reuters.

Ang median forecast sa survey sa 10 economists ay babagal ang inflation sa 2.9 percent sa Hunyo, na magiging unang pagkakataon na bumagal ito sa ilalim ng midpoint ng 2-4 percent target ng central bank magmula noong Dis­yembre 2017. Ang inflation ay nasa 3.2 percent noong Mayo.   PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.