INFLATION BABAGAL SA 5.2%

INAASAHANG babagal ang inflation sa Disyembre mula sa naunang buwan sa pagbaba ng presyo ng langis at pagkain.

Naniniwala si economic consultant John Paolo Rivera na tatlong bagay ang nakaimpluwensiya sa presyo ng mga produkto at serbisyo.

“I’m expecting a slower inflation rate in December 2018. It could have sagged to 5.2 percent,” ani Rivera.

“I would like to believe that this is due to the decrease in oil prices, basic commodities, and slight Philippine peso appreciation against the US dollar,” sabi pa niya.

Bumagal ang inflation sa 6.0 percent noong ­Nobyembre makaraang bumaba ang presyo ng petrolyo at pagkain sa naturang buwan, ang unang pagbagal sa loob ng 11 buwan matapos na umabot ito sa nine-year high na 6.7 percent noong Setyembre at Oktubre.

Umaasa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bababa ang inflation sa Disyembre sa 5.2- 6.0 percent sa pagmura ng bigas at langis.

Sa pagtaya naman ng First Metro Investment Corp. (FMIC) at ng University of Asia and the Pacific (UA&P), ang inflation ay babagal sa 5.9 percent sa Disyembre.

Comments are closed.