INAASAHAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagbagal ng inflation sa 5.2-6.0 percent sa buwan ng Disyembre.
Ayon sa BSP, ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo at bigas, pasahe sa jeep, singil sa koryente, at ang bahagyang paglakas ng piso ang inflation drivers ngayong buwan.
“The BSP Department of Economic Research projects December 2018 inflation to settle within the 5.2 – 6.0 percent range,” ayon sa central bank.
”The sustained slowdown of inflation during the month is seen to be driven mainly by the continued decline in petroleum and rice prices, the rollback in minimum jeepney fare, and the slight appreciation of the peso,” sabi pa ng BSP.
Noong Nobyembre, ang inflation ay naitala sa 6 percent, mas mabagal sa nine-year high 6.7 percent noong Setyembre at Oktubre.
“Higher electricity rates in Meralco-serviced areas could offset the downward pressure on prices,” ayon sa central bank.
Tumaas ang singil sa koryente ng P0.0902 per kilowatt-hour, na katumbas ng P18.00 pagtaas sa total bill ng mga kumokonsumo ng 200-kilowatt hours kada buwan.
“Moving forward, the BSP will continue to closely monitor evolving price trends and domestic demand condition to help ensure that the inflation target is achieved,” dagdag pa ng central bank.