INFLATION BABAGAL SA ‘BER’ MONTHS

INAASAHAN ang pagbagal ng inflation ngayong ‘ber’ months.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Diwa Guinigundo, ito ay dahil sa ‘ber’ months ay malaki ang nagiging ambag ng overseas Filipino workers  sa ekonomiya ng bansa, gayundin ang mga nasa Business Process Outsourcing (BPO) companies.

Paliwanag ni Guinigundo, tuwing ‘ber’ months kasi ay mas malaking  dolyar ang naipapasok ng mga OFW at BPO companies sa bansa.

Samantala, inaasahan ng BSP na papalo sa 5.9 percent ang inflation sa Agosto.

Tinukoy ang pagtaya ng Department of Economic Research nito, sinabi ng BSP na ang headline inflation ay maaaring maitala sa range na 5.5-6.2 percent sa Agosto.

Isinisi ng BSP ang year-on-year increase sa average consumer prices sa mas mataas na presyo ng bigas at pagkain dahil sa mga sama ng panahon, gayundin sa supply disruptions, bukod pa sa pagsipa ng presyo ng gasolina, LPG at singil sa koryente.

Ang magpapahinahon sa pataas na price pressures sa Agosto ay ang pagbaba ng presyo ng diesel at ke­rosene, gayundin ang ‘modestly appreciated’ peso.

“The BSP will remain watchful of economic and financial developments that could affect the inflation outlook and will closely monitor inflation expectations and emergence of further second-round effects ahead of the September 2018 Monetary Board policy meeting,” ayon sa BSP.

Sa Second Economic Journalists Association of the Philippines (EJAP) Economic Forum ka­makailan, sinabi ni BSP Governor Nestor A. Espenilla Jr. na ang inflation momentum ay bumabagal dahil ang headline inflation ay pangkalahatang bumaba sa month-on-month terms mula 0.9 percent noong Enero sa 0.5 percent noong Hulyo.

“In particular, after spiking in the first quarter of 2018, the month-on-month changes for electricity, tobacco, and sweetened beverages are seen to be slowly tapering off as we head deeper into the third quarter of the year. This supports our analysis that the impact of the excise tax adjustments is transitory,” sabi pa ni Espenilla.

Dagdag pa ng BSP chief, ang inflation momentum ay patuloy na maglalaho sa near term at babalik na pasok sa target sa susunod na taon.

Comments are closed.