MAAARING pumalo sa 4.9 percent ang inflation rate ng bansa para sa Hunyo sa likod ng pagtaas ng presyo ng sin products, gayundin ng isda, bigas at gulay, ayon sa Department of Finance (DOF).
Base sa pinakabagong DOF economic bulletin sa inflation, ang inflation rate para sa Hunyo ay posibleng umabot sa 4.9 percent, mas mataas sa 4.6 percent noong Mayo, at sa 2.5 percent na naitala sa kaparehong buwan noong 2017.
“Inflation in June likely inched up to 4.9 percent year-on-year (YoY), up from the previous month’s 4.6 percent due to base effects and 0.35 percent month-on-month (MoM) increase,” pahayag ng DOF.
Ipinaliwanag ng DOF na ang mga driver para sa pagbilis ng inflation rate ay kinabibilangan ng pagtaas sa tobacco prices na inaasahang aabot sa 27.83 percent sa Hunyo, mas mababa sa 28.29 percent noong Mayo.
“The price of sin products, which includes alcoholic beverages and tobacco, is seen to settle at 20.44 percent for the month with alcoholic beverages contributing 5.76 percent,” ayon sa DOF.
“Price increase from sin products continues to be double digit YoY, even as the MoM rate plunged to 0.3 percent from 0.81 percent last May. For the June inflation rate, sin products contribute as much as 0.46 percentage points YoY,” dagdag pa nito.
Ang presyo ng isda ay inaasahan namang tataas ng 10.61 percent, mas mababa sa 11.36 percent noong Mayo, at sa 7.73 percent na naitala noong Hunyo 2017.
Ang presyo ng mga gulay ay maaaring tumaas ng 7.49 percent mula sa 7.03 noong Mayo, at sa 0.55 percent noong nakaraang taon. Ang presyo ng bigas ay posible namang sumirit ng 4.17 percent para sa buwan, habang ang non-alcoholic beverages ay maaaring tumaas sa 10.15 percent.
“Food prices contributed to the YoY uptick mainly due to vegetables while MoM inflation of fish and rice price moderated to 0.11 percent and 0.1 percent, respectively,” sabi pa ng DOF.
Comments are closed.