INFLATION BUMAGAL PA SA 1.7% NOONG AGOSTO

INFLATION-3

PATULOY na bumagal ang inflation sa ikatlong sunod na buwan noong Agosto, ayon sa datos na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa pahayag ni National Statistician Dennis Mapa, bumagal ang inflation sa 1.7% noong nakaraang buwan, kumpara sa 6.4% na naitala sa ka-parehong buwan noong nakaraang taon at sa 2.4% noong Hulyo.

Ito ang pinakamabagal na rate na naitala sa loob ng 34 buwan magmula nang maiposte ang 1.8% noong Oktubre  2016.

“The slowdown of inflation in August 2019 was mainly due to the slower annual increase in the index of the heavily-weighted food and non-alcoholic beve­rages at 0.6%,” wika ni Mapa.

Kabilang sa commodity groups na nagtala ng mas mabagal na annual rates noong Agosto ay ang housing, water, electricity, gas at iba pang fuels (1.8%); health (3.1%), recrea­tion and culture (1.8%), at restaurant and miscellaneous goods and services (3.2%).

Nakapag-ambag din ang transport index, na bumaba ng 0.2%, sa downtrend ng inflation noong nakaraang buwan.

Nasa 1.4% ngayon ang inflation sa Metro Manila. Naitala ang pinakamabilis na antas ng inflation sa Mimaropa, na nasa 4.6%, habang pinakamabagal naman sa Zamboanga Peninsula na nasa 0.5%.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.