BUMAGAL ang inflation sa 2.6% noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mababa ito sa 2.9% na naitala noong Enero, at sa 3.8% noong Pebrero 2019.
Ayon kay Deputy National Statistician Atty. Lourdines dela Cruz, ang pagbaba ay bunga ng mas mabagal na annual increases sa presyo ng food and non-alcoholic beverages.
“The index posted a 2.1% inflation during the month, along with the deceleration recorded in alcoholic beverages and tobacco (18.2%); housing, wa-ter, electricity, gas, and other fuels (1.7%); and transport (1.8%),” ayon sa PSA.
“There is a deceleration in inflation for pertroleum. This is actually in the effect of the rollback for prices of petroleum products,” sabi naman ni Divina Gracia del Prado, Assistant National Statistician.
Ang mga kompanya ng langis ay nagpatupad ng rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo noong Pebrero 10, na sinundan ng dalawang magkasunod na linggo na pagtaas.
Hindi kasama ang selected food and energy items, ang core inflation ay bumagal sa 3.2% noong nakaraang buwan mula sa 3.3% noong Enero at sa 3.9% noong Pebrero 2019.
“In terms of geography, inflation in the National Capital Region (NCR) decelerated to 2.0% in February, down from 2.7% in January and 3.8% in February,” sabi pa ng PSA.
Sa labas ng NCR, ang inflation ay may average na2.8%, mas mabagal sa 3.0% sa naunang buwan, at sa 3.8% sa kahalintulad na buwan noong 2019.
Comments are closed.