INFLATION BUMAGAL SA 5.9%

inflation

PATULOY ang pagbagal ng inflation rate sa bansa noong fourth quarter ng 2018, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, ang naitalang Inflation para sa huling  quarter ng  2018 ay nag-average lamang ng 5.9 percent mula sa 6.2 per-cent noong third quarter.

Ayon sa central bank,  ang pagbaba ng inflation ay bunsod ng matatag na suplay at presyo ng pagkain, at ng patuloy na pagbaba ng presyo ng non-food items.

“The consumer price index rose to 5.1 percent in December from 6 percent, its slowest since July 2018,” pahayag ni BSP As-sistant Governor Francisco Dakila.

Pinanindigan din ng  BSP ang kanilang forecast na papalo sa 2 hanggang 4 percent ang inflation ngayong taon na may ave­rage na 3.18 percent.

Sa monetary policy meeting noong Disyembre, pinanatili ng BSP ang interest rates nito matapos ang limang sunod na pagtaas makaraang magsimulang humupa ang inflation mula sa halos 10-year highs.

Sinabi ni Dakila na ang pagkakaapruba sa rice tariffication bill ay makatutulong upang bumaba pa ang food inflation ngayong taon.

“The BSP stands ready to respond to any remaining and emerging risks that could compromise its price stability mandate,” pa-hayag pa ng opisyal ng BSP.

Bahagyang ibinaba ng World Bank noong Disyembre ang economic forecast nito para sa ­Filipinas para sa 2019 sa 6.4 percent mula sa 6.5 percent.

Subalit naniniwala ang mga economic manager ni Pangulong Rodrigo  Duterte na makakamit nila ang 7 porsiyentong paglago sa ekonomiya ng bansa.         VERLIN RUIZ

Comments are closed.