INFLATION BUMILIS SA 3.2% NOONG MAYO

inflation

SUMIPA sa 3.2 percent ang inflation sa katatapos na buwan ng Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ng PSA na bahagya itong tumaas mula sa 3.0 percent na naitala noong Abril 2019.

Subalit ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at mga economic manager ng adminis­trasyong Duterte, pasok pa rin ito sa kanilang economic forecast para sa taong kasalukuyan.

Lumabas sa pag-aaral ng PSA na na­ging pangunahing sanhi ng pagbilis ng inflation noong Mayo ang 3.4 percent na dagdag sa food at non-alcoholic beverages at 3.3 percent na pagtaas ng halaga ng tubig, kor­yente, gasolina at iba pang produktong petrolyo.

Magugunitang Oktubre 2018 nang maitala ang huling mabilis na inflation sa 6.0 percent. Matapos nito ay unti-unti itong bum-agal hanggang nitong Abril.

Sa hanay ng mga pagkain at non-alcoholic beverages, nakaapekto sa inflation ang paggalaw sa presyo ng cereals, tinapay, pasta, isda, prutas at gulay.

Sa housing naman, presyo ng koryente ang nag-ambag sa mabilis na inflation dahil sa naita­lang 1.5 percent na ­annual rate nito.

Sa mga rehiyon, naitala ang mabilis na paggalaw sa National Capital Region sa 3.4 percent mula sa 3.1 percent noong Abril. Sa kabila nito, mas mabagal itong maituturing mula sa May 2018 rate na 4.9 percent.

Sa labas naman ng NCR, pinakamataas na datos ang naitala sa Mimaropa sa 4.7 percent, habang pinakamabagal sa 1.5 percent ang Central Visayas at Zamboanga Peninsula.

Samantala, minaliit ng BSP ang pagbilis ng inflation noong Mayo.

Ayon kay Governor Benjamin Diokno, ang month-on-month acceleration ng  inflation noong Mayo ay sapat pa rin para maituring na isang trend.

“That cannot be seen as a significant deviation from the trend. One data point does not constitute a trend. That’s elementary,” paliwanag niya.

“The 3.2 percent inflation rate in May is within BSP’s forecasts of 2.8 to 3.6 percent for the month of May. Looking ahead, we expect inflation to be in the neighborhood of 2.0 percent in the third quarter of 2019,” sabi pa ni ­Diokno.

“With world oil prices easing, we expect the annual inflation rate to be in the vicinity of 3.0 percent in 2019 and 2020,” dagdag pa ng BSP chief.   VERLIN RUIZ, BENEDICT / ABAYGAR, JR.

Comments are closed.