MULING bumilis ang inflation noong Disyembre sa likod ng patuloy na pagtaas ng halaga ng pagkain at transpotasyon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang presyo ng basic goods ay tumaas ng 3.5% para sa buwan, mas mabilis sa 3.3% noong Nobyembre at sa 2.5% noong nakaraang taon.
“Ito ang pinakamataas na inflation na naitala sa bansa mula noong March 2019,” pahayag ni National Statis-tician Claire Dennis Mapa sa isang virtual press conference kahapon.
Ang December inflation ay naghatid sa full-year 2020 sa 2.6%, pasok sa target ng pamahalaan na 2% hang-gang 4%.
“Ang pangunahing dahilan ng pag-angat ng inflation sa buwan ng Disyembre 2020 ay ang mas mabilis na pag-taas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages,” sabi ni Mapa.
Pasok ito sa 2.9-3.7% na pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong nakaraang linggo.
Ayon kay Mapa, ang pagtaas ay pinangunahan ng food and drinks, na tumaas ng 4.8%. Partikular na tumaas ang presyo ng 10% dahil sa pagtaas ng demand noong holiday at sa limitadong suplay dahil sa African swine fever.
Samantala, ang sibuyas ay kamatis ay nanguna pa rin sa 19.7% surge sa presyo ng mga gulay. Ayon kay Mapa, nagkaroon ng problema sa suplay kasunod ng malalakas na bagyo na puminsala sa mga pananim sa Lu-zon.
Tumaas din ang presyo ng mga prutas ng 6.3% kumpara noong nakaraang taon.
Ayon pa sa datos ng PSA, sumirit ang presyo ng isda ng 3.1% noong Disyembre 2020 kumpara noong nakaraang taon.
“Transport costs zoomed faster, recording 8.3% with a 47.2% year-on-year pickup of tricycle fares and 6.6% for jeepneys. Meanwhile, inflation eased for alcoholic drinks and cigarettes, housing and utilities, and home furnishings and maintenance.”
Comments are closed.