INFLATION FORECAST ITINAAS

ITINAAS ng Asian Development Bank (ADB) ang inflation forecast nito para sa bansa dahil sa pagsipa ng inflation noong Hunyo at sa tax reform program ng pamahalaan.

Sa Asian Development Outlook Supplement (ADOS) nito, sinabi ng ADB na sa kanilang pagtaya, aabot na sa average na 4.3 percent ang inflation sa pagtatapos ng taon mula sa 4 percent na nauna nitong projection.

“The adjustment was due to the increase in inflation which reached 5.2 percent in June 2018 because of higher fuel prices and ‘sporadic shortages of key food items’ and the impact of Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) on commodity prices,” ayon sa ADB.

“This outcome combines with expectedly high global oil prices, peso depreciation, and strong domestic demand to prompt this Supplement to revise the inflation forecast for 2018 to 4.3 percent from the ADO 2018 forecast of 4 percent,” sabi pa ng ADB.

“Higher excise taxes on fuel and some commodities as part of the Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act, which took effect in January 2018, are contributing factors,” dagdag pa nito.

Gayunman, sinabi ng ADB na ang impact ng TRAIN ay hindi magpapatuloy sa 2019. Ito ang dahilan kung bakit pinanatili ng ADB ang  inflation forecast nito para sa  2019 sa 3.9 percent sa ADOS.        CAI ORDINARIO

Comments are closed.