PALALALAIN lamang ng wage increase ang mataas nang inflation rate, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno.
“The wrong thing to do is to adjust wages. That is going to worsen the situation,” wika ni Diokno sa isang forum sa Pasig City.
Bumuhos ang mga panawagan na itaas ang daily minimum wages dahil sa patuloy na pagsipa ng presyo ng mga bilihin sa mga nakalipas na buwan kung saan naitala ang inflation sa 6.4 percent noong Agosto, ang pinakamataas sa kasalukuyan ngayong taon at pinakamabilis magmula nong Marso 2009.
Gayunman, binigyang-diin ni Diokno na ang pagtataas sa suweldo dahil sa ‘transitory event’ ay hindi makalulutas sa inflation.
Aniya, naniniwala sila na ang inflation rate sa kasalukuyan ay ‘transitory’, at huhupa rin ito sa susunod na taon o sa fourth quarter.
“Let us not push for higher wages at this time, especially given the significant tax cut that we gave under TRAIN 1. We reduce the maximum tax rate from 32 to 25 [percent] so let’s not push for higher wages at this time,” dagdag pa niya.
Samantala, sinabi ni Diokno na walang dapat ikabahala sakaling sumipa ang inflation rate sa 6.8 percent sa Setyembre dahil kinaya ng bansa ang mas matataas na rates sa mga nakalipas na taon.
“I’ve shown comparative data for each administration. ‘Yung kay [Ferdinand] Marcos 50.3 percent. That was 1984. Kay Mrs. [Cory] Aquino something like 20 percent,” ani Diokno.
“We have seen this kind of inflation before and much higher than this, so let’s not panic.”
Nauna rito ay nagbigay ng pagtaya ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maaaring umabot sa 6.8 percent ang September inflation.
Ang 6.8-percent inflation rate forecast para sa Setyembre ay mas mabilis sa 6.4 percent na naitala noong Marso 2009.
Iginiit ni Diokno na bababa ang inflation sa last quarter ng taon bago magkasya sa target range ng pamahalaan na 2 hanggang 4 percent.
Comments are closed.