INFLATION NANANATILING “MOST URGENT CONCERN”

IGINIIT  ni Finance Secretary Ralph Recto na nananatiling “most urgent concern” ang inflation at dapat panatilihing kontrolado.

It is imperative that we find ways and means to reduce inflation,” ani Recto sa isang news conference.

I support what the monetary board is doing. Like I said, it’s data driven, ” dagdag pa nito.

Bumalik ang headline inflation noong Disyembre sa target na 3.9 porsiyento ngunit ang average na inflation para sa 2023 ay 6 porsiyento na mas mataas sa target ng Central Bank na 2 porsiyento hanggang 4 porsiyento.

Sinabi ni Recto, ang posibilidad na tumaas ang presyo ng langis at gastos sa transportasyon ay dahil sa tumitinding geopolitical tensions.

The central bank will look at all these data and make the appropriate decisions going forward. We recognize that there are external threats,” anang kalihim.

LIZA SORIANO