INFLATION PUMALO SA 6.4% NOONG AGOSTO

SUMIPA sa 6.4 percent ang inflation rate nitong Agosto, ang pinakamabilis sa loob ng mahigit siyam na taon magmula nang maitala ang inflation sa 6.6 percent noong Marso 2009, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos na ipinalabas ng statistics office, mas mabilis din ito sa 5.9-percent forecast ng  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP),  na nasa 5.5 hanggang 6.2 percent.

Bago ito, naglabas na rin ang Department of Finance (DOF) ng forecast na 5.88 percent, kung saan ang food and non-alcoholic beverages ay mag-aambag ng  2.98 percentage points. pero ang ilang economic analysts ay nagsabing posible ang 6 percent rate dahil sa paggalaw ng presyo ng ilang bilihin.

Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ng BSP na ang presyo ng bigas, energy, at transport ang pangunahing responsable para sa higher-than-expected inflation noong Agosto 2018.

Sa datos ng PSA, limang commodity groups ang nagtala ng mas mala­king pagtaas, nangunguna ang alcoholic beverages and tobacco na sumirit ng 21.9 percent.

“The food and non-alcoholic beverages index was up by 8.5 percent, miscellaneous goods and services by 4.0 percent, household equipment up by 3.5 percent, and recreation and culture by 2.4 percent,” ayon sa PSA.

“The rest of the commodity groups either moved slower or had negative annual rate with the index of clothing and footwear retaining at its previous month’s annual growth rate of 2.4 percent,” dagdag pa ng PSA.

Sa National Capital Region (NCR), ang inflation ay tumaas ng 7.0 percent nitong Agosto dahil sa transport (10.2 percent), food and non-alcoholic beverages (8.6 percent), household equipment (3.3 percent), miscellaneous goods (4.7 percent) at recreation and culture (2.3 percent).

Kaugnay nito ay sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na muling aaralin ng economic managers ng pamahalaan ang kanilang 2018 inflation forecast na itinaya lamang sa 4 hanggang 4.5 percent noong Hulyo.

4TH RATE HIKE NAKAAMBA

Sa pagsipa pa ng inflation ay pinag-aaralan ng BSP ang pagpapatupad ng ika-4 na policy rate hike ngayong taon.

“Under the circumstances, we will weigh the need for further monetary policy action,” wika ni BSP Governor Nestor Espenilla, Jr.

“Appropriate recommendations will be presented to the MB at its next policy meeting on September 27. It is most critical at this point to restore inflation back to the target range soonest and securely anchor inflationary expectations,” sabi pa ni Espenilla.

Sa kasalukuyan ay tatlong beses nang itinaas ng BSP  ang policy rates nito – tig-25 basis points noong Mayo at Hunyo, at 50 basis points noong nakaraang buwan.

Ayon pa kay Espenilla, maaari ring magkaroon ng revisions sa forecast dahil sa pinakabagong inflation figures, subalit ang target ay maaaring manatili sa 2- to 4-percent range.

“That’s part of the regular policy review … But the inflation target remains at 2 to 4 percent,” aniya.    VERLIN RUIZ

Comments are closed.