POSIBLENG sumirit pa sa 1.8 hanggang 2.6% ang inflation rate ng bansa ngayong Disyembre.
Ito ay batay sa projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Department of Economic Research sa gitna na rin ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo at singil sa koryente.
Ayon sa BSP, kabilang din sa mga pangunahing dahilan sa posibleng pagsirit ng inflation ang epekto ng nakaraang bagyo sa ilang mga produktong pagkain.
Gayunman, sinabi ng BSP na magbibigay balanse sa inflation ang patuloy na pagtatag ng presyo ng lokal na palay.
Magugunitang naitala sa 1.3% ang inflation rate nitong Nobyembre na siyang unang buwang bumilis ang paggalaw nito matapos na bumaba simula noong Hunyo. DWIZ882
Comments are closed.