INFLATION SUMADSAD SA 0.9% SA SETYEMBRE

INFLATION-4

BUMAGAL pa ang inflation noong Setyembre sa patuloy na pagbaba ng presyo ng mga bilihin, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng PSA, ang inflation noong nakaraang buwan ay naitala sa 0.9%, mas mabagal sa 1.7% noong Agosto.

Mas mababa rin ito sa 6.7% inflation na naiposte noong Setyembre 2018.

“This brought the year-to-date inflation for 2019 to 2.8%, within the government’s target of 2-4% for the entire year,” ayon  sa PSA.

Sa pahayag ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ito ang pinakamababang inflation magmula noong Hunyo 2016, kung saan ang inflation rate ay nasa 1.3%.

“Contributing primarily to the downtrend in the inflation during the month was the annual drop in the index of heavily-weighted food and non-alcoholic beverages,” dagdag pa niya.

“Transport also contributed to the downward trend of the September 2019 inflation, particularly, petroleum and fuels for personal transport equipment, which declined further by 8.1% in September 2019 from -5.2% in August.”

Sa mga rehiyon, bumagal din ang paggalaw sa presyo ng mga produkto sa National Capital Region sa 0.9%.

Pareho rin ang kabuuang rating ng inflation sa mga lugar sa labas ng Metro Manila.

Nanatili namang mataas sa 2.2%  ang kabuuang pagtaas ng mga presyo sa Mimaropa, habang pinakamababa ang -1.3%  sa Zamboanga Peninsula.   VERLIN RUIZ