JANUARY INFLATION BUMILIS SA 4.2%

Claire Dennis Mapa

BUMILIS ang inflation noong Enero sa likod ng mas mataas na presyo ng pagkain, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa ulat ng state statistics bureau, ang inflation ay naitala sa 4.2% noong nakaraang buwan mula sa 3.5% noong Disyembre 2020. Mas mabilis ito sa 2.9% rate na naiposte noong Enero  2020.

Ito ang pinakamabilis na inflation rate magmula noong Pebero 2019 nang maitala ito sa 4.4%.

Ang January inflation ay mas mataas din sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas’ (BSP) na 3.3% hanggang 4.1%.

“Ang pangunahing dahilan ng pag-angat ng inflation sa buwan ng Enero 2021 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages,” wika ni PSA chief and National Statistician Claire Dennis Mapa sa isang virtual press conference.

Ang  heavily-weighted food at  non-alcoholic beverages index ay bumilis sa 6.2% noong nakaraang buwan, mula  4.8% noong Disyembre 2020.

Nag-ambag din ang food at non-alcoholic beverages index ng 59.6% sa overall inflation rate.

“Ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng karne, partikular ang baboy, na may mas mataas na inflation sa antas na 17.1% sa buwan ng Enero 2021,” ani Mapa.

Ang presyo ng baboy noong nakaraang buwan ay pumalo sa P400 kada kilo sa Metro Manila markets dahil sa kakulangan ng suplay dulot ng African swine fever (ASF).

Ayon pa kay Mapa, ang isa pang dahilan ng pagbilis ng inflation ay ang pagtaas ng presyo ng gulay, tulad ng kamatis, sa antas na 21.2%, at ng prutas, gaya ng saging at mangga, sa bilis na 9.0%.

Naging contributor din sa pagbilis ng inflation ang mas mataas na annual increments sa index ng transport sa 8.6%.

“Ito ay dahil sa mas mabagal na pagbaba sa presyo ng petroleum and fuels na may inflation na -9.3%, mula sa -10.6% noong buwan ng Disyembre 2020,” sabi pa ng PSA chief.

Ang major contributors sa pagtaas sa transportation index ay ang pasahe sa tricycle sa 46.&%, jeepney sa 6.4%, at bus sa 4.5%.

Comments are closed.