JULY INFLATION PAPALO SA 5.8%

INFLATION

POSIBLENG pumalo sa hanggang 5.8 porsiyento ang inflation sa buwan ng Hulyo dahil sa mas mataas na presyo ng koryente, tubig, gas, LPG, transportasyon at bigas sa naturang buwan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sa pahayag ng BSP Department of Economic Research (DER) sa month-ahead inflation forecast, sinabi ng central monetary authority ng bansa na ang  inflation ay posibleng maitala mula 5.1 hanggang 5.8 porsiyento nitong Hulyo.

“The increases in electricity rates in Meralco-serviced areas, water rate adjustments in Maynilad- and Manila Water serviced areas, domestic gasoline and LPG prices, jeepney fares, scheduled increase of the tobacco excise tax, and prices of rice and other agricultural commodities could lead to upward price pressures during the month,” nakasaad sa statement.

Nangangahulugan na ang inflation ay nanatiling mataas sa nasabing buwan sa kabila ng bahagyang pagbaba ng domestic diesel prices para sa Hulyo.

Ang latest inflation average ng bansa ay nasa  4.3 percent sa unang anim na buwan ng taon kung saan ang buwan ng Hunyo ang nagtala ng pinakamataas na inflation rate sa 5.2 percent.

“Should inflation in July hit the lower end of the BSP’s forecast for the month, the average price growth for the first seven months of the year will hit 4.4 percent.”

“On the other hand, if inflation hits the upper end of the BSP’s forecast, price growth will hit an average of 4.5 percent for the January to July period.”

Ang dalawang sitwas­yon ay pasok pa rin sa 2-4 percent average target range ng BSP para sa taon at sa 2019.

Sa kanilang June po­licy meeting, nagkasundo ang mga opisyal ng BSP na ibaba ang average inflation forecast nito para sa taon sa 4.5 porsiyento mula sa 4.6 porsiyento dahil sa lower-than-expected inflation outturn noong Mayo.

Ang July inflation data ay nakatakdang ipalabas sa Hulyo 7.

Samantala, pinawi ni BSP Gov. Nestor Espenilla ang pangamba ng patuloy na pagtaas ng inflation sa bansa sa pagdinig para sa 2019 P3.757 trillion budget.

Ayon kay Espenilla, bibilis pa ang inflation rate hanggang sa mga huling buwan ng 2018 pero bababa na ito pagsapit ng 2019.

Aniya, babalik sa forecast na 2 hanggang 4 porsiyento ang inflation rate dahil na rin sa ilang adjustments na nagiging dahilan ng pagtaas ng inflation.

Ipinaliwanag ni Espenilla na kaya mataas ang inflation ngayon ay dahil sa pagsipa ng presyo ng langis sa pandaigdigang merka-do, mataas na excise taxes, at weather related factors.

Tiniyak naman ng BSP ang pagpapanatili ng price stability sa bansa at pagpapalawak pa sa abot-kayang financial services para sa mga Filipino upang makaagapay sa epekto ng mataas na inflation rate.     BIANCA CUARESMA, CONDE BATAC

Comments are closed.