MAAARING pumalo sa hanggang 5.1 percent ang inflation ngayong Hunyo sa likod ng pagsipa ng presyo ng bigas at iba pang produktong pang-agrikultura, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
“The BSP Department of Economic Research projects the 2012-based June 2018 inflation to settle within the 4.3-5.1 percent range,” pahayag ng BSP.
Tinukoy ng central bank ang weather-related disruptions na nagpataas sa presyo ng bigas at iba pang agricultural commodities. Nakapag-ambag din ang pagtaas ng presyo ng cooking gas sa inaasahang pagbilis ng inflation.
“The shortage in the supply of subsidized rice from the National Food Authority pushed prices of commercial rice varieties higher, while prices of liquefied petroleum gas (LPG) increased by P3.40 per kg—for cooking gas—and P1.90 per liter of auto LPG,” ayon sa BSP.
Ang nasabing pagtaya ay maaari namang mabago ng pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, gayundin ng singil sa koryente, ayon sa BSP.
Ang Manila Electric Co. (Meralco), ang pinakamalaking power distributor ng bansa, ay nagpatupad ng P1.43 per kilowatt hour reduction sa kanilang singil ngayong buwan.
Ang inflation o ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ay naitala sa 4.6 percent noong Mayo, ang pinakamabilis sa loob ng mahigit limang taon.
“Going forward, the BSP will continue to keep a watchful eye on the risks to the inflation outlook to help ensure price stability conducive to a balanced and sustainable growth of the economy,” ayon sa BSP.
Comments are closed.