(Kabilang ang binatilyo) 3 MANGINGISDA TIMBOG SA P142K SHABU

shabu

NAVOTAS CITY – ARES­TADO ang tatlong mangingisda kabilang ang isang binatilyo na na-rescue sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis kung saan nakumpiska sa mga ito ang mahigit sa P142k halaga ng shabu sa lungsod na ito.

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Jhay Ar Miranda, 26, Edward Dizon, 26, ang isang 16-anyos na binatilyo, pawang residente sa lungsod.

Ayon kay P/Col. Balasabas, alas-8:15 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Charlie Bontigao kontra sa mga suspek sa M. Domingo St., Brgy. Tangos North.

Nagawang makabili ng isang sachet ng shabu kay Miranda ng isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P500 marked money.

Nang magkaabutan na ng bayad at droga, agad sumugod ang back-up na mga operatiba at sinunggaban ang suspek, kasama si Dizon at ang binatilyo na sinasabing umiiskor ng droga kay Miranda.

Nakumpiska sa mga suspek ang 11 plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang sa 21 gramo ng hinihina­lang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P142,800 at buy bust money. EVELYN GARCIA

Comments are closed.