NAKALULUNGKOT ang mga nangyayari sa atin ngayon dahil lang sa Corona Virus na laganap sa buong mundo. Lahat tayo ay apektado at parang tumigil ang mundo dahil dito. Lahat nakakulong sa kani-kanilang tahanan para makaiwas sa virus at makapanghawa. Isang buwan tayo nakakulong sa mga bahay natin na hindi pa natin alam kung ano ang kahihinatnan nito. Lahat ng mga programa sa telebisyon ay natigil pansamantala at pulos tungkol sa virus na lang ang napapanood natin maliban sa May kakayahan mag-subscribe sa cable TV na maraming altenatibong mapapanood.
Ang nakakatuwa lamang ay nakita natin ang mga taong tumutulong sa gobyerno na malabanan ang disease na ito gaya ng ilang artista na pulos mga paalala sa social media para mag-ingat na mahawahan tayo ng sakit.
Gaya ng alam natin kung papaano magshare ng blessings ang Pambansang Kamao sa tinatamasa niya ngayon kahit inaalipusta siya ng iba ay nagbigay ng tulong sa pamamagitan ng kanyang Manny Pacquiao Foundation katulong ang Jack Ma Foundation sa pagbibigay ng 50,000 test kit sa DOH para sa Corona Virus. Malaking bagay ito sa DOH kahit may budget sila for this at tumutulong din ang malalaking kompanya gaya ng SM Corporation na naglaan ng 100-Million worth of medical supplies for Corona Virus prevention na lumaganap pa.
JERIC GONZALES AT KLEA PINEDA HINTO ANG SERYE DAHIL SA KALAMIDAD
SA GITNA ng kalamidad na ito ay natigil pansamantala ang pangunahing afternoon serye na “Magkaagaw” na pinagbibidahan nina Jeric Gonzales at Klea Pineda. Hindi nga makapaniwala si Jeric na tumagal ng ganito ang teleseryeng ito. Kaya sobra-sobra ang pasasalamat niya sa gitna ng mga pagsubok ay tuloy-tuloy ang magagandang blessings na dumarating sa kanya.
Last week lang ay na-release lang ang isa pa niyang single na “Line To Heaven” at magandang review agad ang mga komento. Ito ay after ng Tagalog song na “Taksil” which was released last year. Although kulang sa promo ay maganda pa rin ang kinalabasan. Kaya 2019 ay maganda for Jeric na sana ay magtuloy-tuloy this year at sa mga susunod pa na marami nang natupad na mga pangarap niya sa tiyaga niyang marating ang kinalalagyan niya ngayon.
(Habang may Covid-19) PATOK NG SERYE NG GMA IBABALIK SA PRIMETIME
KAMAKAILAN lamang ay naglabas ng statement ang GMA Network na pansamantala nilang ititigil ang produksyon ng kanilang mga orihinal na programa alinsunod na rin sa abiso ng gobyerno na mag-community quarantine upang mapigilan ang higit na paglaganap ng COVID-19.
Dahil dito, pahinga at tigil muna sa taping ang mga on-going programs ng Kapuso Network mula sa top-rating Afternoon Prime na “Magkaagaw,” “Prima Donnas,” “Bilangin ang Bituin sa Langit” hanggang sa pinag-uusapang Telebabad line-up na “Descendants of the Sun,” “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday,” at “Love of my Life.”
Bumuhos naman ang requests ng mga netizens nang malamang ibabalik ng Kapuso Network ang ilan nitong lumang shows bilang kapalit ng ongoing teleseryes na apektado ang taping dahil sa community quarantine.
Ilan sa mga nais ibalik ng viewers ang classic series ng GMA-7 gaya ng “Encantadia,” “Mulawin,” “Majika,” “Amaya,” “Marimar,” “Dyesebel,” “Super Twins,” maging mga iconic anime series na nakagisnan na raw nilang panoorin noong kabataan nila gaya ng “One Piece,” “Detective Conan,” at “Dragon Ball.”
Samantala, kumpirmado na prequel ng “Encantadia” ang ipapalit sa “Eat Bulaga” at “All-Out Sundays” para sa mga GMA Pinoy TV subscribers. Sa panahon kung kailan hinihimok ang lahat na maglagi lamang sa loob ng kani-kanilang tahanan, isa ang panonood ng telebisyon sa mga maaaring pagkaabalahan kung kaya naman excited na ang lahat sa ilalabas na lineup ng reruns na papalit sa current GMA seryes.
Mag-ingat po tayong lahat! —JOE BARRAMEDA
Comments are closed.