KALUSUGAN NI DUTERTE ‘DI DAPAT IKABAHALA

Pangulong Rodrigo Duterte-3

TINIYAK ni Senador Christopher Bong Go na walang dapat ipag-alala ang publiko sa kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos na muling hindi makadalo ang Pangulo sa mga nakatakda nitong aktibidad nitong nakalipas na dalawang araw.

Ayon kay Go, nakaranas lamang ng pananakit ng tiyan ang Pangulo dahil sa kanyang maling nakain at walang ma­tindi o seryosong nangyari dito.

Kasabay nito, humiling naman ng dasal si Go para sa mabilis na pag-recover ni Pangulong Duterte sa dinaram­dam.

Samantala, magkakasunod na dinalaw ng senador  ang mga biktima ng  sunog sa Pasay, Pandacan at Tondo sa Maynila.

Unang dinalaw nito ang mga  nasunugan sa barangay 145 Zone 16 Santo Niño sa Pasay City kung saan dinalhan niya ng  pagkain, grocery at pinansiyal na tulong ang mga biktima.

Pagkatapos nito, nagtu­ngo rin si Go sa mga nasunugan naman sa Parola compound Tondo Manila kung saan kaparehong tulong ang binigay sa mga biktima. DWIZ 882

Comments are closed.