Mga laro sa Martes:
(Filoil Flying V Centre, San Juan)
10 a.m.- UPHSD vs AU (jrs)
12 nn.- UPHSD vs AU (jrs)
2 p.m.- SBU vs JRU (srs)
4 p.m.- SBU vs JRU (srs)
HUMUGOT ng lakas ang Letran mula sa isa pang all-around performance ni Bong Quinto nang ilampaso ang Emilio Aguinaldo College, 76-56, upang sumalo sa ikatlong puwesto sa College of St. Benilde sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Nagbuhos si Quinto ng 11 points, 10 rebounds at 11 assists upang iangat ang Knights sa ika-6 na panalo laban sa tatlong talo at makasalo sa No. 3 ang Blazers, na namayani sa Perpetual Help Altas, 84-77.
Ito ang ikalawang sunod na triple-double ni Quinto, na kumana ng 12 points, 10 rebounds at 11 assists sa 84-64 pagdurog sa Mapua noong Martes.
Si Quinto ay may average na 11.6 points, 10 rebounds at 10 assists sa kanilang huling tatlong laro.
“I hope he keeps it up,” wika ni Letran coach Jeff Napa of Quinto. Bumagsak ang Generals sa 2-7.
Samantala, mabilis na sinamantala ng CSB ang third quarter injury ni Perpetual Help guard Edgar Charcos sa third quarter sa pagsandal sa troika nina Fil-Ams Justin Gutang at Yankie Haruna, na nagpakawala ng tig-20 points, at rookie transferee James Pasturan, na gumawa ng 13 points, kabilang ang 11 sa final canto.
Kontrolado ng Altas ang laro sa kalagitnaan ng third period subalit nawala sa wisyo nang magtamo si Charcos ng right knee injury.
Nalasap ng Perpetual Help ang ikatlong pagkatalo sa walong asignatura subalit may pagkakataong mabawi ang puwesto sa third kapag nalusutan ang Arellano U sa Martes.
Iskor:
Unang laro:
Letran (76) – Batiller 17, Quinto 11, Balanza 9, Calvo 9, Muyang 8, Yu 7, Agbong 5, Fajarito 4, Ambohot 2, Banez 2, Mandreza 2, Balagasay 0, Celis 0, Galvelo 0, Taladua 0.
EAC (56) – Laminou 18, Garcia 11, Tampoc 9, Bautista 6, Cadua 4, Cruz 4, Fujentes 2, Neri 2, Diego 0, Gonzales 0, Maguliano 0, Mendoza 0, Natividad 0.
QS: 14-17, 43-29, 57-46, 76-56.
Ikalawang laro:
St. Benilde (84) – Gutang 20, Haruna 20, Pasturan 13, Domingo 9, Leutcheu 7, Young 5, Belgica 3, Nayve 3, Carlos 2, Dixon 2, Naboa 0, Velas-co 0.
Perpetual (77) – Eze 24, Aurin 23, Razon 13, Charcos 9, Cuevas 4, Peralta 4, Coronel 0, Mangalino 0, Pasia 0.
QS: 18-12, 29-29, 53-57, 84-77
Comments are closed.