KOMPANYA NG LANGIS NAG-ANUNSIYO NG KAUNTING ROLLBACK

ROLLBACK-4

NAG-ANUNSIYO ang mga kompanya ng kanilang tinatawag na “modest rollback” sa presyo ng petrolyo ilang oras bago nag-deliver si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang State of the Nation Address (SONA), dagdag sa extra helping of positivity sa okasyon.

Ang maliit na magandang balita ay mas na­ging makasaysayan dahil para ng nagbibigay ng suhestiyon ng turnaround sa pandaigdigang presyo sa merkado, na rati nang nasa pataas na trajectory ngayong buwan.

Sa magkahiwalay na abiso, nag-anunsiyo ang mga kompanya ng la­ngis ng price reductions ng PHP0.25 kada litro sa gasolina, PHP0.20 kada litro sa diesel at PHP0.40 kada litro sa kerosene.

Ang huling rollback sa presyo ng petrolyo ay magiging epektibo ng 6AM ngayong araw ng Martes, Hulyo 23.

Sinabi ng oil executives na ang adjustment ng presyo ngayong araw ay sumasalamin sa hu­ling paggalaw ng krudo sa pandigdigang merkado na agad ipinapasa sa mga lokal na konsyumer.

Binigyang-diin nila na ang paggalaw sa pres­yo ng petrolyo ay isa lamang “pass through” adjustments, at walang nakinabang na oil firms.

“It’s only by good luck that this oil price rollback is coinciding with the SONA. Hopefully, we will see more of this soon, but you know the oil market is really a bit volatile by nature,” pahayag ng isang oil exe­cutive.    PNA

Comments are closed.