(Kung hindi na-delay ang 2019 budget) Q1 GDP PAPALO SA 7.2%

budget

MAAARING pumalo sa 7.2 percent ang gross domestic product (GDP) ng bansa para sa first quarter ng taon kung hindi naantala ang pag-apruba sa 2019 General Appropriations Act (GAA), ayon sa Department of Finance (DOF).

Sa latest economic bulletin sa GDP ng bansa, sinabi ng DOF na ang  first quarter GDP ng bansa ay umabot sana sa 7.2 percent, sa halip na 5.6 percent tulad ng naunang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), kung hindi dahil sa budget impasse na nagresulta sa underspending ng pamahalaan ng P69.5 billion para sa mga proyekto at programa nito.

“If the budget were approved as scheduled and disbursements were made promptly, GDP growth in the first quarter would have risen to 7.2 percent. Underspending of P69.5 billion in the first quarter of the year reduced GDP growth by 1.6 percent of GDP,” wika ni Finance Undersecretary Gil S. Beltran.

Ang first quarter GDP ng bansa na 5.6 percent ay lubhang mababa kumpara sa 6.5 percent na naitala sa kaparehong panahon noong 2018.

Noong nakaraang linggo ay sinabi ng mga economimc manager ng administrasyong Duterte na ang budget impasse sa Kongreso sa unang tatlong buwan ng taon ay nagresulta sa spending cutback na pumigil sa economic activity.

Ang pagkaantala ng 2019 budget ay nagpuwersa rin sa gobyerno na mag-operate sa re-enacted 2018 budget para sa buong first quarter na nagresulta sa underspending na katumbas ng P80-90 billion na disbursements para sa unang tatlong buwan ng 2019.

“The Philippine economy should have grown by at least one percentage point higher, at 6.6 to 7.2 per-cent in the first quarter instead of the 5.6 percent rate, if the 2019 fiscal program had been approved on time,” dagdag pa ng mga economic manager. REA CU

Comments are closed.