MATAGAL nanahimik si Gretchen Barretto dahil may pandemya, pero nuong nakaraan buwan, nag-viral si La Greta dahil nakunan siya ng litrato na may hawak na manok na may tari sa isang bigtime derby kasama ang businessman na si Atong Ang. Magkasosyo sila sa online sabong at iba pang E-games.
Naghilom na ba ang intriga sa Barretto sisters dahil kay Atong? Just asking? Pero, ang kanyang pamangking si Nicole ay may kimkim pa ring sama ng loob!
Dahil magkasosyo nga sila ni Atong, natural, nagmo-monitor siya sa live streaming ng sabong. May alaga pa siyang manok na pinangalanan pa niyang lady tiger. Aktwal siyang nasa sabungan. Susme, bakit naman kaya ang magandang ate nina Claudine at Marjorie e sabong pa ang naisip pagkakitaan?
Parang lucky charm siguro siya ni Atong kaya close sila ngayon. Sabagay, maraming naloloko ngayon sa online sabong, artista man o ordinaryong mamamayan. Meron namang instant yaman dahil dito. Ang malaking tanong, kumusta na ba ang relasyon nila ni Tonyboy Cojuangco? Truelala ba na hiwalay na sila pagkatapos ng lampas dalawang dekadang pagsasama? Hindi kasi sila makapagpakasal dahil hindi pumayag ang original wife ni Tonyboy na i-annul ang kanilang kasal.
Kapansin-pasing madalas magkasama sina Atong at La Greta sa mga five star hotels, mamahaling resorts at big derby. Kamakailan, namudmod siya ng ayuda sa mga piling piling entertainment writers. May nagbiro tuloy — bongga si Greta, milyones ang kinita sa sabong kaya may I-shared niya sa shobiz.
Opps, may mamanukin kaya siyang politiko na ilalambing sa mga showbiz writers? O baka naman si Atong mismo.
***
PACMAN STOP NA SA POLITIKA, TULOY ANG PAGBOBOKSING
ISANG kaibigan naming nasa Amerika ang close kay senador Manny Pacquiao. Madalas siyang pumunta sa bahay ng aktor/politiko sa Beverly Hills. Lagi raw may meeting si Pacman pero hindi niya kinalilimutan ang prayer meetings, kasama si Jinkee at kanyang mga anak.
Madali raw itong nakapag-adjust siya sa kanyang pagkatalo pero wala pang balak bumalik sa Pilpinas. Basta pagbalik daw nito, may desisyon na siya kung tatak-bong presidente sa 2022 elections o tatakbo na lang muli bilang senador, o hihinto na siya sa politika.
Bitin moments ito para sa mga followers ng Pambansang Kamao, pero, ayon sa aming amiga, may plano siyang makipag-rematch kay Ugas. Ayaw pa niyang magretiro sa boksing. Gusto raw ni Manny na patunayang kaya pa niyang labanan uli ang Cuban boxer. Numero lang daw ang edad at malakas pa ang kanyang katawan. Kulang lang daw siya sa praktis kaya siya natalo.
Balikan natin uli ang simula ni Pacman. Dati siyang kargador ng prutas sa Tupi, South Cotabato, nakarating sa Metro Manila, at naging panadero. Nag-training siya ng pagboboksing sa Mondejar Gym sa Paquita, Sampaloc, Manila at may nakilalang promoter. Nakakasabay ko pa noong kumain sa Bulakenya Resto sa J. Barlin si Manny.
Pinasok din niya ang pag-aartista sa movie na “Di Ko Kayang Tanggapin,” kasama sina Mikey Arroyo at April Boy Regino (RIP). Isa ang inyong lingkod sa mga PRO ng Worls Arts Cinema.
Malayo na ang narating ni Pacman. Totoo, ang Diyos kapag nagbigay ng biyaya, siksik, liglig at umaapaw. Sana lang, huwag siyang magbago at patuloy siyang tumulong sa mahihirap. Ang nakapagtataka lang, binili niya ang lupang kinatitirikan na Mondejar gym, tinayuan ng seven story building na tinawag niyang MP Tower, pero binenta sa isang chinese businessman.
Dalawang beses nang isinapelikula ang buhay niya pero nakukulangan ang inyong lingkod. Sadya bang may kabanata ng buhay niya na ayaw niyang maalala?
732916 733833 You ought to take part in a contest for one of the very best blogs on the internet. I will recommend this website! 99563
19032 690770This internet web site is really a walk-through for all of the information you wanted about this and didnt know who to ask. Glimpse here, and youll surely discover it. 127322
154334 864682Most appropriate the human race messages work to show your and present exclusive chance with unique couple. Beginer appear system in advance of raucous men and women will most likely always be aware most of the golden value off presentation, which is a persons truck. best man jokes 997476
471533 555936Hey there! Nice post! Please inform us when we will see a follow up! 424415
367116 409882You completed certain very good points there. I did searching on the subject matter and found most persons will go together with your blog 709242