Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre, San Juan)
10 a.m.- LPU vs EAC (jrs)
12 nn.- JRU vs MU (jrs)
2 p.m.- LPU vs EAC (srs)
4 p.m.- JRU vs MU (srs)
ITATAYA ng Lyceum of the Philippines University ang walang dungis na kartada sa pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College sa 94th NCAA basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Nakopo ng Pirates ang ika-11 sunod na panalo laban sa Jose Rizal Bombers, 82-76, noong Biyernes at sisikaping mapalawig ito sa 12 sa kanilang 2 p.m. encounter, na maglalapit sa kanila ng anim na laro sa pagduplika sa tagumpay noong nakaraang season nang walisin nila ang lahat ng 18 elimination round games upang umabante sa finals.
Gayunman, hindi pa ito ang nasa isip ni LPU coach Topex Robinson.
“We’ll just try to focus on what we need to do each game and try to improve in whatever we do,” wika ni Robinson. “If it comes, it comes.”
Higit na inaalala ni Robinson ang ‘consistency’ ng kanyang koponan, na nasubukan sa dikit na 82-76 panalo laban sa upset-conscious Bombers noong Biyernes.
Sa nasabing laro ay naghabol ang LPU sa 63-68 sa kaagahan ng fourth quarter bago nakabalik sa trangko para maitakas ang panalo.
Nagbanta rin ang EAC (2-8) sa LPU bago nadominahan ng huli ang fourth canto upang maitarak ang 106-97 panalo sa first round noong Hulyo 13.
“Every game is a learning experience, it’s part of the process for us to reach our goal, which is position ourselves to winning a championship,” ani Robinson.
Si CJ Perez ang muling magiging focal point ng atake ng LPU kung saan ang reigning league MVP ay may average na 21.3 points, 8.8 rebounds, 3.2 assists at 3.6 steals kada laro.
Samantala, sisikapin ng Jose Rizal (2-9) at Mapua (2-8) na manatiling buhay ang kanyang kampanya para sa ‘Final Four’ sa kanilang salpukan sa alas-4 ng hapon.
Comments are closed.