INAASAHANG babagal ang inflation sa hanggang 2.0% sa Marso sa likod ng pagbagsak ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado at sa ipinatutupad na price freeze sa harap ng state of emergency dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sa pagtaya ng kanilang Department of Economic Research, ang March 2020 inflation ay maitatala sa pagitan ng 2.0% at 2.8%.
“The sharp decline in the prices of petroleum products due to the significant fall in global crude oil prices contributed to the downward price pressures for the month,” ayon sa central bank.
“In addition, the prices of selected food products remained broadly stable in March due to adequate supply and favorable weather conditions along with the price freeze imposed on basic necessities by the Department of Trade and Industry (DTI) and the Department of Agriculture (DA),” dagdag pa nito.
Tinukoy rin ng BSP ang bahagyang pagtaas sa singil sa koryente.
“Going forward, the BSP will continue to monitor economic and financial developments, and stands ready to implement appropriate policies in support of its primary mandate of price stability conducive to balanced and sustainable economic growth,” anang central bank.
Comments are closed.