MATAAS NA PRESYO TULOY PA RIN KAHIT BUMAGAL ANG INFLATION – CONSUMER GROUPS

inflation

PATULOY na marara­mdaman ng mga consumer ang mataas na presyo sa mga susunod na buwan kahit pa bumagal ang inflation noong Nobyembre dahil permanenteng pamamahalin ng dagdag na buwis sa langis sa susunod na taon ang mga pangunahing bilihin.

Sinabi ng mga consumer group sa BusinessMirror na kailangang manatiling maingat ang publiko sa kabi-la ng pagbaba ng infla-tion sa 6 percent noong Nobyembre. Mas mabagal ito sa 6.7 percent na naitala noong Oktubre, subalit mas mabilis sa 3 percent sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon kay Louie C. Montemar, convenor ng Bantay Konsyumer, Kuryente at Kalsada, mahirap ikatuwa ang bumagal na inflation dahil tuloy pa rin ang pagpapatupad ng fuel tax hike sa susunod na taon.

Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, papatawan ng excise tax na P2 per liter ang mga produk-tong petrolyo sa susunod na taon.

“We must remain wary given government’s decision to pursue increased excise tax rates on petrole-um products for 2019. That hike will only make oil prices permanently costly,” wika ni Montemar.

“It is also hard to rejoice when we expect increased prices in the holiday season,” dagdag pa niya.

Sinang-ayunan ni Laban Konsyumer Inc. President Victorio Mario A. Dimagiba ang pahayag ni Mon-temar, at sinabing bumilis ang core inflation noong Nobyembre.

“Core inflation went up from 4.9 percent to 5.1 percent, meaning high inflation solidify for the year. The 6 percent November inflation was largely due to price reduction on fuel and agricultural products, like rice,” ani Dimagiba.

“However, prices of manufactured and processed food remain high,” paliwanag niya.             ELIJAH FE-LICE ROSALES

Comments are closed.