MGA BAGAY NA DAPAT ALAM NG DRIVER BAGO MAGMANEHO

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapasada!Feliz Ano Nuevo, mga kapasada! Kumusta po ang buhay, ang pamilya, at ang ating kalusugan?  Sana po, ligtas kayo sa masamang biro ng tadhana na dulot ng pandemya.

Napakarami pong karaingan ang natanggap ng pitak na ito hinggil sa mga naging kaganapan nitong nakaraang taon.  Sana po, mga kapasada, ibaon na lamang natin sa limot ang nakaraan at harapin natin ang bagong kapalarang maaari nating salungahin sa ating pagkayod sa maghapong paggulong sa lansangan para sa ating hapag kainang pangangailangan.

Pasalamat na rin po tayo sa Poong Maykapal na kahit papaano, nabalik tayo sa lansangan at kumikita tayo kahit hindi tulad ng dati na malaki ang ating take home na kita sa pamamasada.

Tiis lamang, mga kapasada, darating din ang panahon na matatapos din ang kapalarang ating kinasadlakan sa nakaraang taon na dala pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Stay safe, mga kapasada.  Don’t forget, wear your face mask, face shield at observe physical distancing gaya ng malimit na pagpapaalala ng Kaga-waran ng Kalusugan upang maiwasan ang ‘di inaasahan. God bless, mga kapasada!

Mga kapasada, tatalakayin po natin ang mga mahahalagang bagay  na nakatadhana sa R. A. 4136 na may kinalaman sa

“Basic Things a Driver Should Know” na nakatadhana sa DrIver’s Information and Safety Guide na ipinalabas ng Land Transportation Office noon.

Lubha pong mahalagang maibahagi natinito sa ating mga kapasada sapagkat  nakasalalay po sa panuntunang ito ang kaligtasan ng bawat driver na nagmamaneho ng mga pribado  at pampublikong sasakyan bilang bahagi ng kanilang pinagkakakitaan para sa kapakanang pangkaunlaran ng hapag kainan ng bawat nilikhang ang ikinabubuhay ay ang paggulong sa lansangan araw-araw.

Ayon po sa R.A 4136, “No person shall operate any motor vehicle without first procuring a license to drive a motor vehicle for the current year.”

Gayundin, isinasaad din sa naturang batas pantrapiko ng LTO na ang isang tao bago makapagmaneho ng anumang uri ng sasakyang de motor ay kailangang matugunan ang mga kahingiang tulad ng mga sumusunod:

  1. Physically fit to drive – May normal na pandinig at malinaw na paningin na certified ng isang kilalang physician. At walang sino mang tao ang bibigyan ng professional driver’s license kung siya ay nagtataglay ng mga nakahahawang sakit tulad ng:
  2. advanced tuberculosis b. gonorrhea c. syphilis at tulo
  3. Kailangang maipasa niya ang written and practical examination upang maipamalas ang kanyang kakayahan na magmaneho ng motor vehicle at
  4. Kailangang may edad na 18 sa panahon ng pagkuha ng examination.

ANG DRIVING EXAMINATIONS

Sinasabi sa RA 4161 na lubhang mahalaga para sa isang applicant na nakatitiyak siya sa mga sumusunod na puntos bago siya kumuha ng driving examination sa LTO tulad ng:

  1. Batid niya ang nilalaman ng Land Transportation and Traffic Code (R.A. 4136) at kaya niyang basahin ang plate number sa layong 25 yards in good daylight (sa tulong ng salamin sa mata kung kinakailangan).
  2. Nakapagpapamalas siya ng courtesy and consideration for the safety and convenience of other road users tulad ng pedestrian, drivers, cyclist; siya ay competent to drive without danger and with due consideration to others.
  3. Alam niya kung papaanong maisasagawa ang mga sumusunod na safety measures bago paandarin ang engine ng sasakyan tulad ng:
  4. naka-hand brake. b. nasa neutral ang transmission. c. properly adjusted ang mga upuan upang madaling matatapakan ang mga pedal ng walang anumang sagabal kung biglang kailanganin. d. gumagana ang mga ilaw sa dilim. e. ang lahat ng pintuan ay properly closed.
  5. malinaw na nakikita ang sinusundan at sumusunod na sasakyan. g. ang rear view mirror ay properly adjusted para malinaw na nakikita ang likuran, at h. walang sagabal sa lansangan at ligtas sa pagmamaneho.
  6. makalalarga nang matiwasay at ligtas.
  7. maingat sa pag-overtake, laging taglay ang pag-iingat kung may nakakasalubong na iba pang road users, at
  8. alam kung papaanong mag-iingat sa paglalandas sa mga intersection o kaya ay sa mga pinagkurusan (road junctions) tulad ng:
  9. adjust speed upon approach. b. gumamit ng salamin (mirror), signals, breaks gear on approach. c. alam ang wastong positions ng sasakyan bago at pagkatapos makaliko. d. iwasan ang cutting left-hand corners, at e. tumingin sa kaliwa at sa kanan at sa kaliwa uli before crossing or merging.
  10. ihinto ang sasakyan sa normal at ligtas na position, laging maging handa na makontrol ito kung magkaroon ng emergency.
  11. maneuver vehicle smoothly with methodical accuracy.
  12. sundin ang highway signals sa wastong panahon nang malinaw at walang pagkakamali.
  13. bigyan ng wasto at prompt action ang lahat ng signals mula sa traffic signs, traffic controllers at iba pang mga gumagamit ng lansangan.
  14. Bigyan ng wastong paggalang ang mga tumatawid.
  15. ilagay sa wastong tulin ang pagpapatakbo ng sasakyan ayon sa kondisyon ng lansangan at sa traffic conditions, at
  16. manatiling nasa kanan sa panahon ng normal driving.

ANG WASTONG PAGGAMIT NG PRENO

Mababatid natin ang isang mabuting driver sa pamamagitan ng kanyang paggamit ng preno.

Ang isang sanay magmaneho is able to make time without using his brakes a great deal and yet be perfectly safe kung ihahambing sa mga less experienced driver na laging nakababad ang paa sa preno.

Ang pagdulas (skidding) ay likha ng pabigla-biglang pagpreno dahll sa bigat ng sasakyan ay hindikaagad mapigilan ng preno ang paghinto nito.

Steering therefore becomes unwieldy and because of the weight sa likuran ng sasakyan ay sumasadsad patungo sa unahan na nagiging dahilan upang mabawasan ang kapit ng hulihang gulong  sa lansangan na nagreresulta sa sliding at skidding.

Ang isang mahusay na driver ay na-a-anticipate ang pagpepreno sa pamamagitan ng kanyang pananaw sa kondisyon ng lansangan at dahil dito ay marahan niyang nagagamit ang kanyang paa sa mahinay na pagpepreno at nakokontrol ang pagtakbo ng sasakyan sa mahinay na paraan sa wastong panahong ito ay kailangan sa mga pangkagipitang pagkakataon.

ANG PAGLUSOT (OVERTAKING)

Ang paglusot o overtaking ay isa sa pinakamapanganib na operation in driving.

Ayon sa itinatadhana ng R.A. 4136, bago magsagawa ng paglusot o mag-overtake ang isang driver, ang mga sumusunod na katanungan ay dapat gawin:

  1. maliwanag ba ang panahon at maganda ba ang kondisyon ng lansangan?
  2. maluwag ba ang lansangan at ligtas bang makalulusot?
  3. may ligtas bang puwang upang pagkalusot ay makababalik sa lane passing?
  4. malinaw ba ang mga signal sa unahan na madaling makita ng driver?
  5. may kabuntot bang sasakyan sa likuran na gusto ring lumusot?
  6. makasasagabal ba sa incoming traffic ang gagawin kong paglusot?
  7. mayroon bang mga road hazard tulad ng pedestrian, mga asong tumatawid, mga bata na naglalaro sa paligid?

Kung nakatitiyak ka na ligtas ang kapaligiran, tumingin sa rear view mirror upang makatiyak na walang bumubuntotna sasakyan.

Mag-signal kung babalik ka sa dating linya pagkatapos na mag-overtake, bumusina at saka lumisan sa gitna ng daan at muling bumusina upang ipahiwatig na ikaw ay lulusot.

RESPETO SA PULIS TRAPIKO

Sa totoo lang, sa karanasan ng ating mga kapasada ay hindi maikakailang may mga pulis trapiko nainaabuso ang kanilang posisyon.  Mayroon din namang abusado ang trato sa mga drayber.  Ngunit dapat pa rin nating igalang ang kanilangposisyon kahit na hindi na sila mismo.

Sila ang nagpapatakbo ng trapiko.  Nararapat lamang na sundin natin ang mga senyas nila kung ito ay makatuwiran.  Tumabi rin tayo kung hinuhuli. Kadalasan ay may kasalanan tayo.  Iwasan din natin ang pagsagot ng pabalang-balang.



LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING. STAY SAFE AND GOD BLESS!

Comments are closed.