GOOD day, mga kapasada! As always, magandang araw po, mga kapasada. Dalangin ng pitak na ito na ligtas kayong lahat sa masasamang biro ng kapalarang bunga ng COVID-19 pandemic. Hane, po, ingat lamang po, mga kapasada at strictly follow the pandemic protocols na ipinapayo ng Inter Agency Task Force sa ating pang-araw-araw na pamamasada. Mga kapasada, sa pagbabago ng panahon na likha ng pandemya, pati na ang mga kawatan ay sumasabay na rin.
Kung noon ay patakbong tumatakas ang mga snatcher sa mga lansangan, ngayon pati naang motorista ay ginagamit na rin sa pambibiktima ng mga kawatan. Siguro naman, mga kapasada, hindi lingid sa inyong kaalaman na madalas laman ng mga pahayagan at maging ng social media ang mga modus na ‘riding in tandem’ o ang pambibiktima sa mga lansangan gamit ang motorbike. Sa modus na ito ay dalawang magkaangkas sa motorcycle ang manghahablot o mang-aagaw ng anumang bagay na pagkakakitaan na ang karaniwang biktima ay mga nakatayo o naglalakad sa daan lalo pa at sa gabing pusikit ang dinadaanan. Needless to say, alam na ninyo marahil na ang modus ng mga salbaheng kawatan ay ang sabayan ang bibiktimahin samantalang ang kanilang getaway motorcycle ay nakaabang para magamit sa madaliang pagtakas. Ayon sa ulat ng Philippine National Police noong mga ilang dekada na ang nakararaan, halos 1,300 kaso ng ganitong krimen ang nagaganap sa lansangan, ngunit ibayong lupit ang nagaganap sa kasalukuyan na pati na ang pagpatay ay nagaganap na rin sa ganitong uri ng krimen.
TIPS PARA MALIGTASAN ANG MODUS NG MGA KAWATAN
Sa pakikipanayam ng pitak na ito sa isang traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at sa Land Transportation Office (LTO), madali na ngayong mahuli ang mga riding in tendem at mga manghoholdap samga naglalakbay sa lansangan dahil sa CCTV. Sa kabila nito, payo pa rin ng MMDA at LTO traffic enforcers sa riding public, maging sa mga naglalakad sa mga lansangan na kalimitang nagaganap ang ganitong modus, ang mga sumusunod:
- Iwasang maglabas ng mahahalagang kagamitan tulad ng wallet, cell phone at iba pang mga kagamitang madaling mahahablot ng mga kawatan. Hanggang maaari, iwasan ding ilabas ang mga kagamitan kung naglalakad sa daan kung saan madali itong hablutin. Ipinapayo rin na iwasan ang paggamit ng cell phone kung naglalakad sa daan at kung emergency ang pangangailangan, humanap ng ligtas na lugar para doon tumawag o sagutin ang tumatawag.
- Iwasan din ang pagsusuot ng mamahaling alahas sa paglalakad sa kalsada lalo na kung hindi naman lubhang kailangan. Ayon sa mga enforcer, mainit sa mata ng mga kawatan ang mga alahas tulad ng bracelet, kuwintas at hikaw dahil madali itong hablutin.
- Panatilihin na nakadikit sa katawan ang mga dalang bag. Ito ang isa sa mga paraan para hindi madaling mahablot ng riding in tandem ang mga dala-dalahan.
- Kung naglalakad sa bangketa o gilid ng kalsada, iwasang maging malapit sa daanan ng mg sasakyan lalo na kung hindi naman naghihintay ng masasakyan. Sumabay sa maramng tao o sa inyong mga kakilala sa paglalakad para maiwasan o makapag-report agad sa awtoridad kung may naganap na modus.
ROLE NG DEFENSIVE DRIVING SA PAG-IWAS SA TRAFFIC ACCIDENT
Ayon sa aral na turo ng Defensive Driving, maiiwasan ang aksidente habang nagmamaneho sa pamamagitan ng pagiging alerto, pagmamaneho sa takdang speed limit na karaniwang nakasulat sa trafric signages, at sa wastong paggamit ng turn signals. Bilang karagdagan, sa pamamagitan ng driving defensively, maiiwasan ang peligro sa pagmamaneho. Ayon sa LTO, kung ikaw ay isang baguhang driver, tiyakin na mayroon kang sapat na pagsasanay sa pagmamaneho at alam mo kung ano ang isinasaad ng traffic signages na karaniwang makikita sa kahabaan ng highway, sa masisikip na lansangan at kung papaano gagamitin ang road signages na ito. Ipinapayo ng LTO sa mga baguhang driver na tiyaking mayroong sapat na practice, pagkakaroon ng kasanayang magmaneho kung masama ang panahon hangga’t maiiwasan, huwag magmaneho sa gabi upang makaligtas sa ‘di inaasahang problema.
ELEMENTO NG DEFENSIVE DRIVING
- Stay alert -Bilang karagdagan sa pagiging mapagmatyag sa lansangang tinatahak, manatiling alisto sa malimit na pagkonsulta sa inyong rear view mirror. Tsekin kung may nakabuntot na sasakyan, gayundin, alalahanin mo rin ang blind spots sa daraanan at tiyakin na mababatid ito bago pa man lumipat ng lane kung kinakailangan.
- Sundin ang speed limit – Isa sa pinaka-delikadong gawi ng mga pasaway na driver ay ang pagiging kaskasero. Ang speed limit ay karaniwang nakikita sa signages na nakalagay kada tatlo hanggang limang milya sa mga pangunahing lansangan. Igalang ang speed limit signages at i-adjust ang tulin ng pagpapatakbo sa mga lugar na sakop nito. Kung walang kabatiran sa speed limit, limitahan ang iyong bilis sa 30 MP (48 KPH) kung ikaw ay nagmamaneho sa lansangan at 60 MPH (48KPH) kung nag-mamaneho sa highway.
- Pay attention sa traffic signs – Maging mapagmatyag sa traffic lights, pedestrian crossing, school zone, at stop signs. Bilang karagdagan, igalang ang traffic signs tulad ng winding road, sharp turn ahead, upang maiwasan ang potential collision o kaya ay kamatayan.
- Gamitin sa wastong paraan ang turn signals – Gamitin ang signal at least a block (100 feet/30 meters) bago lumiko. Layunin nito na magkaroon ng sapat na panahon ang mga kasunod na sasakyan na magpabagal ng takbo o makapagbago ng lane bago ka pa man makaliko. Patayin ang signal matapos kang makaliko upang maiwasang magkaroon ng confusion ang driver na kasunod mo.
- Hayaang lumagpas ang mga agresibong driver – Bigyang laya na mag-over take ang mga pasaway na driver. Ang pinakamabuting gawin sa ganitong sitwasyon ay mag-slowdown at pahintulutang lumusot ang mga pasaway na driver.
- Panatilihin ang three seconds cushion na agwat sa ibang sasakyan- Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ka ng sapat na panahon na makapag-react sakaling magkaroon ng pangyayaring ‘di inaasahan tulad ng pagputok ng goma (tire blowout). Gayundin, maiiwasan mo ang pagkakaroon ng matuling takbo at pagtutok sa sinusundang sasakyan.
- Iwasan ang construction zones -Kung batid mo na mayroong pook na daraanan na may ongoing constructions tulad ng ginagawang road blocking ay makabubuting humanap ng ibang ruta kung may posibleng daanan. Kung hindi naman maiiwasan na dumaan sa construction site, tiyakin na igalang ang speed limit na itinatadhana sa signages at kung kinakailangang magsagawa ng pagliko ay kailangang igalang upang maiwasan ang sakuna. Karaniwang pinababagal ang speed limit sa construction zones para sa kapakanang pangkaligtasan ng mga trabahador.
- Maging maingat sa pagmamaneho kung masama ang panahon – Kung biglang bumuhos ang malakas na ulan, malakas na bugso ng hangin at iba pang uri ng sama ng panahon ay tiyak na lilikha ito ng malupit na aksidente kung hindi magiging maingat sa pagmamaneho. Payo ng LTO, sa ganitong pagkakataon, bagalan ang iyong takbo at buksan ang iyong headlights at maglaaan ng katamtamang agwat sa sinusundan upang maiwasan ang aksidente. Tiyakin na may sapat na gadgets ang iyong sasakyan na panlaban sa masamang lagay ng panahon tulad ng nasa kondisyong windshield wipers at maayos na headlights.
KASUNDUAN SA PAGIGING DRUG-FREE SA SEKTOR NG TRANSPORTASYON NILAGDAAN
Nilagdaan kamakailan ng LTO at ng Dangerous Drug Board ang Memorandum of Agreement na nasglalayong maging drug-free ang sector ng transportasyon. Ang naturang kasunduan ay nilagdaan nina LTO Assistant Secretary Edgar Galvante at DDB chairman Secretary Catalino Cuy. Sa pambungad na talumpati sa signing ceremony ay sinabi ni Secretary Cuy na sa pamamagitan ng tulong ng Department of budget and Management at sa suporta ng Pangulo at Executivee Secretary, ang ahensiya ay napagkalooban ng karagdagang budget. Ang naturang pondo ay susuporta sa drug abuse prevention and control programs ng iba pang ahensiya tulad ng LTO, sa ilalim ng Philippine Anti-illegal Strategy (PADS). Ayon ka Secretary Cuy, ang PADS ay na-institutionalize sa pamamagitan ng Pangulong Rodrigo Duterte base sa Executive Order No. 66. Sa panig naman ng DDB, sinabi ni Executive Undersecretary Earl Saavedra na ang naturang kasunduan ay hahawi sa balakid sa daan upang ang naturang pondo ay maipalabas sa pamamagitan ng government-to-government cooperation. Ayon kay Saavedra, ang halagang P1,421,400 ay ipalalabas sa tanggapan ng LTO para sa anti-drug priority – the development and management of the nationwide drug testing ng PUV drivers at conductors.
LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING! STAY SAFE MGA KAPASADA.
131896 634255There is noticeably a great deal of dollars to comprehend this. I assume you created certain good points in functions also. 341529
88999 877048Hey. Very good internet web site!! Man .. Excellent .. Amazing .. Ill bookmark this internet website and take the feeds alsoI am pleased to locate so significantly helpful data here within the article. Thanks for sharing 27758
791919 486465Normally I do not read write-up on blogs, nonetheless I wish to say that this write-up really forced me to look at and do so! Your writing taste has been amazed me. Thanks, quite great post. 985860
435248 776095Its superb as your other posts : D, regards for posting . 946942