NBA STAR DONCIC BINITBIT ANG SLOVENIA SA TOKYO OLYMPICS

Luka Doncic

KUMANA si NBA star Luka Doncic ng triple-double upang pangunahan ang Slovenia sa 96-85 panalo kontra Lithuania at makapasok sa kanilang unang Olympic basketball tournament.

Nakopo ng Slovenia ang kanilang ticket sa Tokyo sa panalo sa FIBA Olympic qualifying tournament sa Kaunas, Lithuania.

Naitala ni Doncic, 22, ang 15 sa kanyang 31 points sa second quarter at nagdagdag ng 11 rebounds at 13 assists para pangunahan ang Slovenia.

Dalawang beses binura ng Lithuania, sa pangunguna nina NBA stalwarts Domantas Sabonis at Jonas Valanciunas, ang double-digit deficits.

Subalit kinontrol ng Slovenia ang laro sa 14-0 scoring run sa pagitan ng third at fourth quarters. Ito ang unang pagkakataon na hindi lalaro ang Lithuanians sa Olympics.

“We worked hard for this,” wika ni Dallas Mavericks star Doncic, na itinanghal na Most Valuable Player ng torneo.

“I don’t care about the MVP,” ani Doncic. “We won here, we’re going to the Olympics, the first time in our country.

“It’s amazing,” dagdag pa niya. “I think every kid in Slovenia dreams about being in the Olympics, I did, too.”

Ang laro sa Kaunas ay isa sa apat na men’s basketball qualifiers na natapos noong Linggo. Sa Split, Croatia, pinalamig ng Germany ang red-hot Brazil, 75-64, upang kunin ang kanilang unang Olympic berth magmula noong 2008.

Sa Belgrade ay pinataob ng Italy ang 2016 Olympic silver medalists Serbia, 102-95, para masambot ng puwesto sa Tokyo.

4 thoughts on “NBA STAR DONCIC BINITBIT ANG SLOVENIA SA TOKYO OLYMPICS”

  1. 761277 293054Im so happy to read this. This really is the type of manual that needs to be given and not the accidental misinformation thats at the other blogs. Appreciate your sharing this greatest doc. 300488

  2. 23896 9306Im so happy to read this. This is the type of manual that needs to be given and not the accidental misinformation thats at the other blogs. Appreciate your sharing this greatest doc. 337473

Comments are closed.