NCAA: ALTAS MAGPAPALAKAS

ALTAS

Mga laro ngayon:

(UPHSD Gym, Las Pinas)

2 p.m.- SSC vs UPHSD (jrs)

4 p.m.- SSC vs UPHSD (srs)

SISIKAPIN ng University of Perpetual Help System Dalta na manatili sa loob ng ‘magic 4’ habang target ng San Sebastian na agawin ito sa kanilang salpukan sa 94th NCAA basketball tournament ngayon sa UPHSD Gym sa Las Piñas.

Yumuko ang Altas sa solo leader Lyceum of the Philippines University Pirates, 77-91, noong Biyernes na nagbagsak sa kanila sa fourth place na may 2-2 kartada, habang ginapi ng Stags ang Mapua Cardinals, 94-70,  noong Martes upang umangat sa fifth na may 3-4 marka.

Makukuha ng magwawagi sa kanilang 4 p.m. showdown, na magiging huling stop ng ‘NCAA on Tour’ ngayong taon, ang No. 4 position sa likod ng LPU (7-0), reigning back-to-back titlist San Beda (4-0) at Letran (4-1).

Sinabi ni Perpetual Help coach Frankie Lim na kaila­ngan nilang maging ‘consistent’ upang makabalik sa trangko.

“We had mental lapses. We can’t play like that and expect to win,” wika ni  Lim patungkol sa second quarter meltdown sa kanilang huling laro.

Muling sasandal ang Las Piñas-based school sa duo nina Nigerian Prince Eze at Edgar Charcos.

Si Eze ay may average na 13.8 points at league-highs 16.5 rebounds at 5.3 blocks, habang si Charcos ay may norm na 19.8 points kada laro, na pangalawa lamang kay CJ Perez ng LPU na may 20.7, bukod pa sa 2.3 rebounds, 4.3 assists at 2.3 steals.

Inaasahan namang sasandal ang Stags sa momentum ng kanilang huling panalo kung saan maglalaro sila na wala si RK Ilagan sa ikalawang sunod na game dahil sa suspensiyon.

“We just have to make do with what we have,” pahayag ni SSC mentor Egay Macaraya.

Comments are closed.