NCAA: BLAZERS BALIK ANG INIT

JJ Domingo

Mga laro bukas:

(Filoil Flying V Centre)

10 a.m.- MU vs UPHSD (jrs)

12 nn.- SSCR vs SBU (jrs)

2 p.m.- MU vs UPSD (srs)

4 p.m.- SSCR vs SBU (srs)

SUMANDAL ang College of St. Benilde sa season-best performance ni JJ Domingo nang pataubin ang Emilio Aguinaldo College, 84-71, at makabalik sa porma sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Nagbuhos si Domingo, may average na 2.2 points kada laro, ng 22 points upang tulungan ang Blazers na putulin ang two-game slide at maitarak ang ikatlong panalo laban sa apat na talo.

“We were alive again and we hope this win gives us momentum entering our final two first round games,” wika ni CSB coach TY Tang, na ang mga bataan ay makakasagupa ng Arellano U sa Biyernes at ang Perpetual Help sa Agosto  24.

Si Domingo ang kumana ng mga krusyal na puntos kung saan ang fourth-year guard ay gumawa ng walong fourth-quarter points upang hawiin ang paulit-ulit na paghahabol ng EAC.

“We know he (Domingo) can score and its just a matter of patience. I hope he counties to dish out this kind of games,” ani Tang.

Gayunman, hindi makakasama ng Blazers si Clement Leutcheu sa kanilang susunod na laro makaraang mapatalsik sa laro ang Cameroonian dahil  sa dalawang technical fouls.

Ang ejection ay nangangahulugan ng awtomatikong one-game suspension para kay Leutcheu.

Naputol naman ang two-game winning streak ng Generals upang bumagsak sa 2-5 kartada.

Iskor:

CSB (84)  – Domingo 22, Haruna 11, Leutcheu 9, Gutang 9, Naboa 6, Dixon 6, Nayve 5, Begica 4, Pasturan 4, Young 3, Velasco 2, Barnes 2

EAC (71) – Bautista 17, Laminou 13, Tampoc 10, Garcia 9, Diego 5, Mendoza 5, Bugarin 5, Maguliano 4, Gonzales 2, Cadua 1, Natividad 0, Robin 0, Neri 0.

Comments are closed.