NAKOPO ng University of Perpetual Help System DALTA ang kanilang kauna-unahang senior’s title kasunod ng 3.5-.5 panalo laban sa Arellano University sa NCAA Season 95 chess tournament noong Sabado sa San Beda campus.
Isa itong matamis na tagumpay para sa Altas na nagtapos sa ikatlong puwesto sa eight-round eliminations at nakuha ang breakthrough win sa loob ng 34 taon o magmula nang lumahok ang eskuwelahan sa liga noong 1985.
Tinalo ng Perpetual Help ang No. 2 twice-to-beat San Beda University sa semifinals.
“Pinaghandaan po talaga namin ito, since we ended up fourth last Season 94. Marami kaming sinalihang pre-season tournament and malaking tulong sa amin yun,” wika ni tournament MVP at Board 4 John Marx Anastacio, na humakot ng kabuuang apat na gold medals.
Ibinigay ni top board Genesis Borromeo ang clincher para sa Perpetual Help nang pataubin niya si Joshua Arias ng Arellano via Bogo Indian Defense sa kanilang two-hour and 50-minute match.
Nagwagi rin para sa Altas woodpushers sa finals sina Carl Zirex Sato sa Board 2 at John Marzx Anastacio sa Board 4.
Ang iba pang gold medalists ay sina Board 1 Daryl Samantila ng College of St. Benilde, Marc Christian Nazario sa Board 2 sa San Beda, Board 3 John Fleer Donguines ng CSB, Louigi Beñas ng Arellano, at Board 6 Joshua Marquez ng Lyceum of the Philippines University.
Si IM Roel Abelgas ang itinanghal na Coach of the Year.
Samantala, pinatalsik ng San Beda ang Perpetual Help sa juniors’ division kasunod ng 2.5-1.5 panalo sa Finals, kung saan si Gal Brein Palasigue ang nakakuha ng MVP honors, habang si Ildefonso Datu ang Coach of the Year.
Nagwagi ng gold medal sa kani-kanilang boards sina IM Eric Labog Jr. ng Perpetual Help (Board 1), Emilio Aguinaldo College’s Reginald Canlas (Board 2), Gal Brein Palasigue ng San Beda (Board 3), Christian James Aquino ng Perpetual Help (Board 4), James Michael Erese ng Arellano (Board 5), at Jerome Angelo Aragones ng Perpetual Help (Board 6).
Comments are closed.