NCAA: CHIEFS KAKALISKISAN

NCAA

Mga laro ngayon:

(Arellano U Gym, Legarda)

2 p.m.- AU vs EAC (jrs)

4 p.m.- AU vs EAC (srs)

MATAPOS ang dalawang pagpapaliban, magkakaroon na rin sa wakas ng pagkakataon ang Arellano University na makapagpakitang-gilas sa pagsagupa sa mapanganib na Emilio Aguinaldo College sa 94th NCAA basketball tournament ngayon sa Arellano U Gym sa Legarda, Manila.

Ang season debut ng Chiefs ay dalawang beses na ipinagpaliban makaraang ang kanilang laro laban sa San Beda Lions noong Hulyo 10 at Perpetual Help Altas noong Martes ay kapuwa kanselahin dahil sa masamang panahon, at umaasa silang matutuloy na rin ang kanilang 4 p.m. duel sa Generals sa homecourt ng una.

“The boys are excited and eager to play this season,” wika ni AU coach Jerry Codinera.

Gayunman ay idinaing ni Codinera ang kawalan ng ensayo sa mga nakalipas na araw dahil sa masamang panahon.

We couldn’t practice for several days because some of the players got stranded due to flooding and we also can’t use our court because of the moist caused by the rains,” ani Codinera. “So we really don’t know what will happen tomorrow (today), we’ll just do what we can to win.”

Ang AU ay maglalaro rin na wala si Kent Salado, ang kanilang lider na nagtamo ng season-ending injury sa kaagahan ng taon.

Ang kanyang pagkawala ay inaasahang pupunan nina Michael Canete, Rence Luis Alcoriza, Levi dela Cruz, Archie Concepcion at vastly improved Elie Ongolo Ongolo.

Inaasahang mapapalaban ang Arellano sa EAC team na muntik nang magwagi laban sa nangungunang Lyceum of the Phl U noong Biyernes.

Nagbuhos si Cameroonian Hamadou Laminou, balik-aksiyon makaraang magtamo ng ACL (anterior cruciate ligament) injury na nagpaikli sa kanyang kampanya noong nakaraang taon, sa naturang pagkatalo ng 34 points, 16 rebounds at 4 blocks.

“I’m happy with how he (Laminou) played in our last game and I’m hopeful he could sustain that kind of game the rest of the way,” pahayag ni EAC coach Ariel Sison.

Comments are closed.