NCAA: ‘FINAL 4’ CAST KINUMPLETO NG STAGS

Stags

NAGPASABOG si Allyn Bulanadi ng season-high 44 points nang malusutan ng San Sebastian ang University of Perpetual Help System Dalta, 99-94, at kumpletuhin ang semifinals cast sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Nagagalak si coach Egay Maracaya, isang Stags hotshot noong 80s, na makita ang pag-usbong ni Bulanadi bilang isa sa pinakamahusay na shooters ng liga.

“In my opinion, as a scorer and a shooter, during my time, it doesn’t matter if you shoot how many times as long as you are not contented. If you are free, take that shot. Don’t worry about me, it is much better than a turnover,” wika ni  Macaraya.

Nang malamangan, sumandal ang San Sebastian kay Bulanadi, na bumuslo ng 14-of-26 mula sa field at nagsalpak ng pitong three-pointers.

Naghahabol ng 11 points papasok sa payoff period, bumanat ang Altas ng  14-1 run upang kunin ang 79-77 bentahe ngunit sumandig ang Stags sa maiinit na kamay ni Bulanadi sa huling anim na minuto ng laro, na humataw ng 15 points.

Isang three-pointer ni Bulanadi sa 1:42 mark ang nagbigay sa San Sebastian ng kinakaila­ngang bentahe, 93-88, at hindi na binitiwan ang trangko.

Tinapos ng Stags ang elimination round sa fourth place na may 11-7 kartada upang makabalik sa semifinals makaraan ang isang taong pagliban.

Makakasagupa ng San Sebastian ang No. 3 Letran sa unang step-ladder sa Nov. 5, kung saan ang mananalo ay makakaharap ng second-ranked Lyceum of the Philippines University sa isa pang do-or-die match pagkalipas ng tatlong araw.

Sa ikalawang laro ay tinapos ng St. Benilde, sa pangunguna nina graduating players Yankie Haruna at Clement Leutcheu, ang kanilang season sa pamamagitan ng 68-62 panalo konta Mapua.

Iskor:

Unang laro:

SSC-R (99) – Bulanadi 44, Ilagan 22, Capobres 10, Calma 6, Villapando 6, Calahat 6, Tero 3, Sumoda 2.

Perpetual (94) – Charcos 22, Aurin 20, Razon 18, Peralto 10, Adamos 8, Martel 6, Giussani 6, Sevilla 2, Tamayo 2.

QS: 27-18, 48-44, 76-65, 99-94

Ikalawang laro:

CSB (68) – Haruna 13, Leutcheu 8, Young 8, Gutang 8, Naboa 8, Flores 6, Belgica 5, Dixon 4, Mosqueda 3, Nayve 3, Lim 2.

Mapua (62) – Lugo 13, Serrano 11, Aguirre 10, Buñag 9, Gonzales 7, Bonifacio 7, Victoria 3, Nocum 2.

QS: 22-19, 35-29, 52-44, 68-62.

Comments are closed.