Mga laro sa Biyernes:
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m.- CSJL vs EAC (jrs)
10 a.m.- UPHSD vs CSB (jrs)
12 nn.-CSJL vs EAC (srs)
2 p.m.- UPHSD vs CSB (srs)
4 p.m.- AU vs SBU (srs)
6 p.m.- AU vs SBU (jrs)
NAGNINGNING si CJ Perez sa krusyal na sandali upang tulungan ang Lyceum of the Philippines University na matakasan ang defending champion San Beda, 73-66, at walisin ang first round sa siyam na laro sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Ibinuhos ni Perez, ang reigning MVP, ang 10 sa kanyang game-best 22 points sa fourth quarter at naisalpak ang isang kritikal na triple upang ihatid ang Pirates sa ika-9 na sunod na panalo at ipalasap sa Lions ang unang pagkatalo sa pitong asignatura.
Matikas na nakihamok ang Lions kung saan naitabla nito ang talaan sa 64-all sa tres ni Robert Bolick, wala nang tatlong minuto ang nalalabi sa laro.
Gayunman ay nagpasabog ang LPU ng 9-2 burst, kabilang ang tres ni Perez, na nagselyo sa panalo ng Lyceum.
Sa unang laro, naitala ni Bong Quinto ang kanyang unang triple-double nang pataubin ng Letran ang Mapua, 84-63, upang tapusin ang first round na katabla ang College of St. Benilde sa ika-4 na puwesto sa 5-3 kartada.
Tumapos si Quinto na may 15 points, 10 rebounds at 11 assists, na lumabas na unang triple-double effort sa liga magmula nang magawa ito ni dating Arellano U standout Jio Jalalon, tatlong taon na ang nakalilipas.
Bumagsak ang Cardinals sa 2-7 sa ika-9 na puwesto.
Iskor:
Unang laro:
Letran (84) – Calvo 20, Muyang 15, Quinto 12, Batiller 11, Fajarito 10, Ambohot 7, Yu 3, Balagasay 2, Agbong 2, Taladua 2, Balanza 0, Celis 0, Mandreza 0, Galvelo 0, Banez 0
Mapua (63) – Gamboa 13, Bonifacio 9, Bunag 9, Victoria 6, Pajarillo 6, Pelayo 5, Lugo 4, Aguirre 4, Jabel 3, Salenga 2, Garcia 2, Biteng 0, Serrano 0
QS: 23-13, 42-25, 63-39, 84-63
Ikalawang laro:
LPU (73) – Perez 22, Marcelino JC 13, Pretta 11, Ayaay 6, Caduyac 5, Nzeusseu 4, Marcelino JV 4, Ibanez 3, Tansingco 3, Serrano 2, Santos 0, Yong 0
San Beda (66) – Tankoua 19, Bolick 18, Mocon 10, Soberano 10, Canlas 4, Doliguez 3, Eugene 2, Abuda 0, Nelle 0, Presbitero 0, Oftana 0, Tongco 0
QS: 19-17, 35-28, 50-50, 73-66
Comments are closed.