NCAA GAMES KANSELADO ULIT

NCAA4

SA IKALAWANG sunod na playdate ay kinansela ng NCAA ang men’s basketball tripleheader sa Filoil Flying V Centre dahil sa suspensiyon ng mga klase bunga ng inaasahang pag-ulan kahapon.

Ang mga larong ipinagpaliban ay ang Letran-College of Saint Benilde, San Beda-Ma­pua at San Sebastian-Arellano University.

Noong nakaraang Biyernes ay kinansela rin ng liga ang tatlong laro, kabilang ang pinakaaaba­ngang showdown sa pagitan ng unbeaten squads Red Lions at Blazers dahil sa masamang panahon.

Ang tickets para sa mga laro kahapon ay tatanggapin sa resheduled playdate.

Samantala,  inaprubahan ng NCAA Management Committee ang P100,000 cash donation sa lalawigan ng Batanes na niyanig ng 5.9 magnitude earthquake noong nakaraang buwan.

Ayon kay Chairman Peter Cayco, kaugnay ito sa adbokasiya ng liga, at ang financial assistance ay ite-turn over sa Batanes provincial officials, sa pangunguna ni Gov. Marilou Cayco sa Sabado sa halftime ng Letran-San Beda duel sa Cuneta Astrodome.

“What we are doing is part of the NCAA advocacy, and the oldest collegiate tournament in the country, as an institution, has helped our fellow Filipinos in need, especially those affected by calamities,” ani Cayco.

“The other member schools have already done their part, and this time, as one family, the NCAA is extending its assistance to help Batanes,” dag-dag pa niya.

Comments are closed.