Mga laro ngayon: Mall of Asia Arena
12 noon – Opening Ceremonies
2 p.m. – CSJL vs LPU (Men)
4 p.m. – SBU vs AU (Men)
SISIMULAN ng San Beda ang kanilang kampanya para sa 4-peat sa pakikipagtipan sa Arellano University sa NCAA men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena.
Sisikapin ng backcourt duo nina sophomores James Canlas at Evan Nelle, nagpakitang-gilas sa off-season, na dalhin ang Mendiola-based squad sa ibabaw.
“I already told these two guys that you really have to play the way San Beda plays and you really have to be the leaders of this team.
Without Robert (Bolick) and Javee (Mocon), we need these two,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez.
“As long as they continue to play beautiful music together, we’ll be a team to be reckoned with,” dagdag pa niya.
Nakatakda ang duelo ng Lions at Chiefs sa alas-4 ng hapon sa huling laro ng kauna-unahang Sunday opening day doubleheader ng liga.
Mauuna rito ay magtutuos sa alas-2 ng hapon ang Lyceum of the Philippines University at Letran sa rematch ng Final Four noong nakaraang taon.
Bukod sa minamalaking Canlas-Nelle tandem, sasandal din ang San Beda kina dating Finals MVPs Donald Tankoua at Arnaud Noah, na nasa kanilang huling taon ng eligibility, gayundin kina holdovers Calvin Oftana, Clint Doliguez at AC Soberano.
Umaasa naman si Cholo Martin, ang long-time assistant ni Fernandez na makakaharap ang kanyang alma mater sa unang pagkakataon, na maibaik ang Arellano bilang isa sa elite teams makaraang hindi makapasok sa Final Four sa huling dalawang seasons.
Magbabalik si Kent Salado, may inindang injuries sa nakalipas na dalawang taon, sa kanyang huling taon para sa Chiefs, na ipaparada sina transferees Justin Arana, Gelo Sablan at Alfren Gayosa upang mapalakas ang kanilang kampanya.
Magiging sandigan din ng Arellano sina holdovers Rence Alcoriza at Archie Concepcion.
Ikinatuwa ni Pirates coach Topex Robinson ang early season meeting sa Knights, na ginagabayan ni Bonnie Tan. “Letran has a rich tradition of winning championships, being in the finals, and in the Final Four so it’s an opportunity for our team to also grow playing against the top teams in the NCAA. We’re excited for our opportunity,” wika ni Robinson.
Sa pagkawala ni prolific CJ Perez na naglalaro na ngayon sa PBA, ang kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino, Mike Nzeusseu at Reymar Caduyac ang mangunguna ngayon sa kampanya ng LPU para sa isa pang championship berth, at sa pinakaaasam na korona na naging mailap sa pinakabatang koponan sa liga sa mga nakalipas na seasons.
Comments are closed.