NAGHAHANDA ang NCAA ng isang simple subalit eleganteng opening ceremony para sa pagsisimula ng Season 95 ng liga, dalawang linggo mula ngayon.
Sinabi ni Peter Cayco ng host Arellano University na nagpasiya ang NCAA Management Committee kung saan siya ang chairman, na huwag nang kumuha ng special guest speaker sa July 7 opener at sa halip ay idedeklara na lamang na bukas ni league’s Policy Board President Francisco Cayco.
“We’re deviating a little from the usual. We will have no special guests or even guest speakers. Our Policy Board president will only declare the season open,” sabi ni Cayco sa pagdetalye sa programa bago ang opening day doubleheader sa Mall of Asia Arena simula alas-12 ng tanghali.
“Each of the 10 presidents of the 10 universities or schools will have their time to give their messages to be played during the opening ceremony.”
Sa halip ay naghanda ang host school ng makulay na setting na nakasentro sa Filipiniana at pistahan tradition ng mga Filipino.
“’Yan ang ating theme showcasing all the member schools and not just the host school,” pagbibigay-diin ni Cayco sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila kahapon kung saan kasama niyang bumisita si commissioner for basketball Tonichi Pujante.
Umaasa si Cayco na magiging hitik sa aksiyon ang mga laro sa liga kung saan ang basketball ang nananatiling pangunahing atraksiyon ng pinakamatagal na collegiate league sa bansa.
“I am expecting another exciting and interesting games not only in basketball but also in 10 other sports in the calendar of NCAA,” sabi ni Cayco.
Makakasagupa ng Letran ang back-to-back runner-up Lyceum sa 2 p.m. curtain raiser, na susunduan ng main game sa pagitan ng Arellano at ng three-time defending champion San Beda sa alas-4 ng hapon.
Dagdag pa ni Cayco, maliban sa Arellano, ang San Beda, Lyceum at Letran ang ‘ teams to beat’ sa men’s basketball ngayon season.
Bukod sa basketball, ang iba pang sports na lalaruin ngayong season ay kinabibilangan ng volleyball, swimming, athletics, taekwondo, lawn tennis, chess, football, beach volleyball, soft tennis, badminton, at table tennis. CLYDE MARIANO
Comments are closed.