NCAA: LYCEUM BINOMBA ANG JRU

LPU

Mga laro sa Martes:

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

8 a.m.- LPU vs AU (jrs)

10 a.m.- SSC-R vs JRU (jrs)

12 nn.- LPU vs AU (srs)

2 p.m.- SSC-R vs JRU (srs)

4 p.m.- SBU vs CSB (srs)

6 p.m.- SBU vs CSB (jrs)

TINAMBAKAN ng Lyceum of the Philippines University ang Jose Rizal U, 88-56, upang iposte ang kanilang ikatlong sunod na panalo at mapanatili ang liderato sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Kumawala ang Pirates sa  second period at pinalobo ang 21-16 kalamangan sa 45-23 sa  halftime subalit ang matinding pananalasa sa third quarter ang nagselyo sa kanilang panalo.

Sa naturang decisive run, umabante ang LPU ng hanggang 36 points, 71-35, at hindi na lumingon pa.

“From start to finish, we want to make sure the game will be out of reach because we don’t want to commit the same mistakes that we made in our game against EAC where we blew a big lead,” wika ni LPU coach Topex Robinson, na ang panalo ay natapat sa kaarawan ni team manager Andrew Lopez kahapon.

Nalasap ng Bombers ang ikalawang sunod na pagkatalo.

Nauna rito, umatake ang St. Benilde sa huling anim na minuto nang pataubin ang Mapua, 90-79, at kunin ang unang panalo sa dalawang asignatura.

Nagpakawala si Yankie Haruna ng game-high 19 points, walo rito ay sa 17-0 blitz, upang makabawi sa 79-85 pagkatalo sa San Sebastian Stags noong nakaraang linggo.

Nag-init ang Blazers sa three-point area at nagsalpak ng season-high 12 triples, kabilang ang lima mula kay Fil-Am Justin Gutang, na nagtapos na may 17 points, 10 assists at 3 rebounds.

Taliwas dito, ang MU ay bokya sa 11 attempt na nagselyo sa kanilang kapalaran.

Nalasap ng Cardinals ang unang kabiguan makaraang dispatsahin ang Jose Rizal­ ­Bombers, 72-60, noong Hulyo 12 sa JRU Gym sa Mandaluyong City.

Iskor:

Unang laro (srs)

CSB (90) – Haruna 19, Gutang 17, Dixon 13, Leutcheu 8, Pasturan 8, Naboa 6, Domingo 6, Carlos 5, Young 5, Nayve 3, Barnes 0, Velasco 0

Mapua (79) – Serrano 14, Lugo 14, Bunag 11, Pelayo 8, Bonifacio 8, Jabel 8, Victoria 6, Aguirre 6, Gamboa 3, Salenga 1, Biteng 0, Pajarillo 0

QS: 15-15, 46-36, 61-59, 90-79

Ikalawang laro (srs)

LPU (88) – Nzeusseu 21, Perez 12, Marcelino JC 12, Cinco 11, Yong 6, Ibanez 5, Marcelino JV 4, Valdez 4, Ayaay 3, Pretta 3, Santos 2, Lumbao 2, Serrano 2, Caduyac 1, Tansingco 0

JRU (56) – Mendoza 14, Mallari 10, Dela Virgen 7, Padua 6, Miranda 5, David 5, Esguerra 4, Bordon 4, Estrella 1, Dela Rosa 0, Silvarez 0, Agui-lar 0, Santos 0, Ramos 0, Doromal 0

QS: 21-16, 45-23, 71-39, 88-56

 

Comments are closed.