Standings W L
*Benilde 13 2
*Mapua 12 3
San Beda 10 5
LPU 8 8
EAC 8 8
Letran 7 9
Arellano 6 10
Perpetual 6 11
SSC-R 5 11
JRU 4 12
*Final Four
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Mapua vs Benilde
2:30 p.m. – San Beda vs Letran
NAGLALARO na walang nakataya kundi pride, pinatay ng sibak nang San Sebastian ang Final Four hopes ng University of Perpetual Help System Dalta sa 83-72 reversal kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Yumuko ang Stags sa Altas, 52-60, sa kanilang first-round encounter, subalit nakaganti sila sa second round upang maitala ang ika-5 panalo sa 11 laro.
Ang Perpetual ay natalo sa lima sa kanilang huling anim na laro sa second-round upang masibak sa Final Four contention sa ikatlong sunod na season na may 6-11 record.
Nagbida si Tristan Felebrico para sa San Sebastian, sa kinamadang game-high 18 points, 7 rebounds at 3 assists.
Nagdagdag sina Reggz Gabat at Raymart Escobido ng 15 at 14 points, ayon sa pagkakasunod, habang nag-ambag si Paeng Are ng 12 points para sa Stags.
Sa ikalawang laro, tumipa si Harvey Pagsanjan ng 17 points, 8 boards at 3 assists at tumabla ang Emilio Aguinaldo College sa Lyceum of the Philippines University sa 8-8 kasunod ng 69-59 panalo kontra Arellano University.
Nalimitahan ng Generals, nagtatangka sa kanilang kauna-unahang Final Four appearance magmula nang lumahok sa liga noong 2009, ang Chiefs sa 9 points sa payoff period upang maibalik ang kanilang winning ways.
Ipinagmalaki ni coach Arvin Bonleon ang ipinakita ng kanyang tropa, bagama’t sibak na ang San Sebastian sa Final Four contention.
“Sinabi ko lang sa kanila mag-enjoy tayo ng last three games natin,” ani Bonleon.
Nanguna si Christian Pagaran para sa Altas na may 16 points mula sa bench, habang nag-ambag sina Mark Gojo Cruz at Henry Montemayor ng 14 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.
Iskor:
First Game
SSC-R (83) – Felebrico 18, R. Gabat 15, Escobido 14, Are 12, L. Gabat 4, Aguilar 3, Pascual 3, Cruz 3, Ramilo 3, Velasco 2, Lintol 2, Suico 2, Ricio 2, Maliwat 0, Barroga 0.
Perpetual (72) – Pagaran 16, Gojo Cruz 14, Montemayor 10, Manuel 8, Pizarro 8, Abis 7, Boral 5, Gelsano 2, Nuñez 1, Sevilla 1, Thompson 0, Danag 0.
Quarterscores: 16-24, 41-31, 63-52, 83-72
Second Game
EAC (69) – Pagsanjan 17, Gurtiza 13, Loristo 10, Jacob 9, Oftana 5, Ochavo 4, Lucero 4, Quinal 3, Bagay 2, Luciano 2, Umpad 0, Doromal 0, Bacud 0.
Arellano (59) – Ongotan 14, Valencia 13, Borromeo 11, Hernal 6, Geronimo 5, Capulong 5, Vinoya 5, Camay 0, Abiera 0, Acop 0, Libang 0, Miller 0.
Quarterscores: 21-18, 34-33, 52-50, 69-59